Chapter 14: Date

2.5K 63 3
                                    

AN: So nag-UD na ako, hahaha. Hopefully ma-enjoy niyo tong chapter na to. Keep reading and supporting this fic. :D

Fille’s POV

Pagkatapos ng movie marathon namin, umakyat na kami para matulog. Naka-tatlong movie din ata kami eh.

Pagdating ko sa kwarto hinanap ko agad yung sinabi ni Dzi sa akin, di naman ako excited ah curious lang. May box sa study table niya, kinuha ko yun at niyogyog. Ano kayang laman neto?

Binuksan ko toh, isang white na skater skirt at blue shirt na may naka-lagay na print na ‘I’m The Ninja!’ tapos may arrow na nakaturo sa akin. May print pa na isang cute na ninja na naka-spike sa volleyball, natuwa naman ako dun sa t-shirt. In fairness ang cute neto.

May sneakers din dun na blue and white ang combination ng color, Ateneong-Ateneo ah. Tapos may  Dog-Tag don at may nakasabit dito na papel kaya kinuha ko ito at binasa.

Wear this tomorrow, I’ll pick you up at 9:00 in the morning.

-GOH

 

Anong kalokokan na naman kaya ang naisipan nitong si Gretchen, naku pag ako talaga napahamak na naman jan. Lagot talaga siya sa akin, titirisin ko talaga siya.

Inayos ko na lang yung regalo at nahiga na sa kama.

Napabuntong hininga na lang ako, kapagod ang araw na toh. Ang dami pang nangyari, yung kiss. Shet, wala na yung first kiss ko. Pero to be honest, that moment I was shocked of course. Kaw ba naman ang nakawan ng halik, at yung kaaway mo pa ah. Pero in that moment, I didn’t regret it  or nasayangan dahil nawala yung first kiss. Which is kabaliktaran dapat, because I hate Gretchen, right? I mean- UHG! Naguguguluhan na ako, dito sa puso ko at sa nararamdaman ko.

Hay, naiistress lang ako sa mga bagay na toh. Maka-tulog na nga lang.

……………………………..

Kinaumagahan, 7:30 na pala. Haaay, sarap ng tulog ko kagabi walang istorbo. In short walang Sungkit na mapanggulo.

Naligo na ako at sinout yung damit na binigay ni Sungkit, perfect fit ah. Cute ko talaga kahit anong soutin, choss! :P

Sinout ko na rin yung sapatos na bigay niya, aba saktong-sakto talaga. Sinout ko na rin yung dog-tag na bigay niya.

Pagkatapos ay bumaba na ako, at pumuntang kusina kung saan kumakain ang iba ko pang teammates.

“Good morning!” Masiglang bati ko sakanila, ewan ko ba kung balit parang ang saya ko ngayon. Basta goodvibes lang! Atsaka last day ko na today, din a ako magiging yaya! :D

“Naks, goodvibes ata tayo ngayon?” Sabi ni Dzi.

“Oo naman, kaya humanda talaga yang si Gretchen kapag sinira niya ang araw ko.” Sabi ko sakanila tapos tumabi na ako. “Naks, sosyal ng breakfast natin ngayon ah.” Sabi ko sakanila. Sarap kaya ng breakfast, pizza, doughnuts, fries at burger.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon