Chapter 26: Scared

2.3K 52 2
                                    

AN: Srry po *Chichay Style.... hehehe. Pero sorry talaga guys, alam niyo naman christmas season kaya grabe. Gathering dito, gathering doon. Grabe super busy guys with fam and friends. Kaya this is it babawi ako. 2 chaps tonight! :D 

Fille’s POV

‘Ayan, inasar-asar mo kasi tapos pag-ikaw naman ang naresbakan sisimasimangot ka.’

 

Nakakainis naman talaga oh, tama na naman yung konsensya ko.

Pagkatapos kasi ng nangyari kanina natupi na ako, natahimik pagkatapos ako naman ang inasar-asar niya. -_-

Joke lang daw yun, nakakaasar naman kasi eh. At naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit bini-big deal ang bagay nay un kung bakitako masyadong affected. Nakakaasar! >.<

Kaya heto kami tahimik habang tinutungo yung room ko. Habang tinutulak niya yung ako, nasa lap ko naman ang isang liter ng ice cream. Ang dami noh? Ewan ko ba dito kay Sungkit, isang liter ang binili.

Oo, nagcr-crave ako ng ice cream pero wala naman akong balak na magpakabusog sa ice cream.

“Alam mo kulit, kung may gusto ka sa akin sabihin mo lang. Payag naman akong makipag-date sa’yo eh.” Aba-aba, at talagang nakuha niya pang mag-smirk. -_-

“Hoy wag kang makapal jan ha!” Mataray na sagot ko sakanya, napaka-feeling talaga neto. Kapal ng mukha eh.

“Eh sino ba yung natameme?” Aba’t binabara pa talaga ako, sinamaan ko lang siya ng tingin.

Pagdating naming sa room, naabutan na lang naming ang mga teammates namin. Nautulog na, huh?

Napatingin naman ako kay Sungkit at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumingin din siya, kaya nagkatitigan kami saglit pero inirapan ko lang siya.

“Kulit.” Rinig ko pa.

“Sungit.” Parinig ko rin.

Pero teka nga, anong oras na ba? Parang an gaga naman ata ng mga toh natulog?

Tiningnan ko naman yung wall-clock dito sa room ko, hala late na pala. Medyo napatagal pala yung pagiikot namin? Oh well, bahala na basta may ice cream na ako.

Tatayo na sana ako para lumipat sa bed ng pigilan ako ni Sungkit at bigla na lang akong binuhat, napahawak tuloy ako bigla sa leeg niya.

“Teka nga, bakit mo ba ako binubuhat? Kaya ko naman ah.” Sabi ko naman sakanya, pero ang totoo niiyan ay nahihiya na din talaga ako.

Ang dami na niya kasing nagawa para sa akin kahit na lagi pa kaming nag-aaway. Paano ko kaya siya pasasalamatan?

Basta after neto, iiwas muna ako sakanya hindi naman totally lalayo pero iiwas lang para mabawasan tong mga nararamdaman kung kegulo-gulo.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon