Chpater 33: Talk With Marge

2.4K 62 3
                                    

AN: Guys, admit it kahit wala ng pag-asa eh ang cute pa rin ng Fillechen? Diba? Hahahaha.

This is chapter 33! :D

__________________________________________________________________________

Fille’s POV

After ng training namin diretcho ako sa library para mag-relax lang, free period eh atsaka para makaaiwas muna sa outside world.

Humanap muna ako ng book na pwede basahin, or subukang basahin. Alam ko naman kasi eh na makakatulog lang talaga ako neto, lalo na’t nandito ako sa library. Aircon! Hahaha.

Sa may mga fiction ako nag-hanap, alangan naman yung mga algebra at science books ang babasahin ko, edi mas lalong na-stress ang brain ko. Hanap, hanap, hanap…. Mhhhh? Pwede na siguro to? Clockwork Prince. Sige ito na nga.

Pagtalikod sa shelf eh nakaharap ko naman ang taong pilit kong iniiwasan pero pilit ata talaga kaming pinagtatagpo ng tadhana, jusko ang corny.

“Kulit, mag-usap naman tayo.” Sabi nito sa akin pero umiwas lang ako sakanya at pilit siyang iniiwasana at dumaan pero pilit niya rin akong hinaharangan, pupunta akong kaliwa, haharangan niya ito. Pupunta akong kanan, ganun rin.

“Pwede ba, padaananin mo ‘ko?” Galit na bulong ko dito since nasa library kami, baka mamaya masita pa kami ng dahil lang sa pagiging makulit nito.

“No can do, not until you talk to me.” Pagmamatigas nito at nag-cross arms ko ang hinarangan yung daanan palabas sa shelf na to, at kung minamalas ka nga naman. Dead end pa yung kabilang dulo kaya wala na talagang ibang daan dito.

“Pwede ba Gretch, padaanin  mo muna ako. Kung wala kang magawa wag mo muna akong pag-tripan ngayon, okay?” Sabi ko at sinusubukan ko talagang maging kalmado, napahinga pa nga ako ng lalim.

“Nope.” Sabi niya kaya nainis lang ako sa pagmamatigas niya.

“Pwede ba Gretchen, kung spoiled ka sa iba, pwes ibahin mo ko. If nong una sinasakyan ko lang yang mga trip mo, pwes ngayon hindi na. Kasi pagod na pagod na ako.” Bulyaw ko sakanya pero naka-bulong pa rin ito, pero malakas na ito para maging klaro sakanya.

Hinintay ko itong sumagot pero wala, walang lumabas nito. Nanatili itona nakatingin sa mga mata ko, walang emosyon ang mukha. Nakababa ang mga balikat. Araw-araw ko ng nakikita ang ganyan niyang mukha, pero ngayon gusto kong malaman kong ano ba talaga ang nararamdaman niya.

“O ano?” Sabi ko dito at tinaasan ko ito ng kilay pero hindi pa rin ito gumalaw at nakatitig lang ito, nagsisimula na din akong mailang sa mga tingin niya kaya umiwas ako at tumingin sa ilong niya para hindi niya mahalata na naiilang ako.

“Wala ka naman pa lang sasabihin eh, sinasayang mo lang ang oras ko.” Dadaan n asana ako ng bigla na lang niya akong harangan at naglakad palapit sa akin, palapit ng palapit kaya napilitan akong umatras.

“A-ano ba.” Imbes na maging maotoridad ang boses ko eh nanginig pa ako sa kaba. Ano na naman ba ang gusto niyang mangyari?

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon