Chapter 27: Labs is Love

2.2K 56 2
                                    

AN: Eto na ang second UD this night... :D Sana magustuhan niyo at sana mas marami pa ang bumuto at sumupurta sa storyang ito. :D

Fille’s POV

Nakalabas na din ako ng hospital at nandito ako ngayon sa room ko dito sa dorm mag-isa.

Wala si Sungkit, may lakad ata. If I know sa babae niya na naman yun pupunta, di ko na naman mapigilang mainis.

Hay nako, kung ano-ano na naman tong pinag-iisip ko.

Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin, grabe nangayayat na talaga ako. Kailangan kong magpataba ng konti.

May kumatok sa pinto.

“Pasok lang!” Sabi ko dito, at bumakas ito.

“Oh Aly?”

“Ate Fille, pinapatanong po ni ate Dzi at ate A kung gusto niyo po bang sumama sakanila?” Tanong nito sa akin habang nakadungaw sa may pintuan.

Nag-isip muna ako sandali kong sasama ba ako o hindi, pero since wala naman akong gagawin dito sa dorm sasa ma na lang din ako. Atsaka naiisip ko lang siya kapag nagmokmok ako dito, at lalo lang akong naasar.

“Osige sabihin mo, magbibihis lang ako saglit.” Sabi ko kay Aly.

“Sige po.” Sabi nito at sinara na yung pinto.

Habang nagbibihis ako nakita ko yung necklace na ibibigay ko sakanya, napangiti naman ako. Kinuha ko ito at tiningnan, hindi ko pa kasi ito naibibigay sakanya.

Kumuha ako ng sticky-note at nag-lagay ako ng message don.

‘Hoy Sungit, thank you for taking care of me. Accept this gift, pasalamat ko yan sa’yo. Ayan ha, quits na tayo.’ :)

-NINJA’

 

Idinikit ko ito sa necklace at inilagay sa bed niya, bago ako lumabas ng room tiningnan ko yung necklace at di ko mapigilang ngumiti.

Bumaba na din ako.

“Hoy babae ba’t ang tagal mo?” Bungad ni Dzi sa akin.

“Kala ko nag-gown ka Ninja?” Lokong tanong pa ni A sa akin.

“Alam niyo, imbes na pingatri-tripan niyo ako, mabuti pa umalis na tayo.” Sabi ko sakanilang dalawa.

“Hoy mga ate pasalubong!” Sigaw ni Ella mula sa kusina.

“Kami rin!” Saba’t pa ng mga babies.

“Osige, pero hindi kasali yung isa sa kusina!” Sigaw ko para marinig talaga ni Ella, hahahaha.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon