Chapter 35: Game Over

2K 52 8
                                    

AN: Guys, kontin tiis na lang at yung request niyong POV ni Gretchen ay mangyayari na rin pero hindi ko sasabihin kung kelan basta malapit na siya. :)

_______________________________________________________________________________

Fille’s POV

Ticktock, ticktock, ticktock.

Gosh, it’s almost time. Ready na ba akong kausapin siya? Ang tanong ano ba ang pag-uusapan namin?

*Kriiiing……

 

This is it, wala na talaga tong atrasan I mean, wala na nga ba? Pero kinakabahan talaga ako ng sobra!

Lumabas na ako ng library at nagpuntang locker, iniwan ko muna ang mga gamit ko don bitbit ko lang yung mga important stuffs ko. Tiningnan ko muna ang sarilli ko sa may mirror, grabe tense na tense na talaga ako.

Feeling ko parang sasabog na yung dibdib ko sa kaba.

Huminga muna ako ng malalim.

“Kaya ko to.” Pagmo-motivate ko sa sarili ko bago ko sinara ang locker ko at nagpunta na sa direksyon ng BEG.

Yung feeling na parang gel na parang hollow blocks. Nanginginig na yung katawan ko sa kaba, yung palad ko pinagpapawisan. Grabe.

“Di ko kaya.” Pag-uurong ko tapos, lumihis ako ng direksyon. Pero tumigil ako at huminga ng malalim.

“Kaya ko to, para sa ikalilinaw ng baby heart mo.” Pagmo-motivate ko sa sarili ko kaya naman lumakad na ulit ako sa direksyon ng BEG.

Ang dami-daming pumapasok na scenario sa utak ko. I was thinking about the worst case scenario that could happen.

Oh for the love of God, help me.

Nasa tapat na ako ng double doors dito sa BEG, para akong timang dito na nakatayo at nakatingin lang sa pinto.

Ano ka ba Fille, may lahi kang Cainglet kaya dapat matapang ka! Shet, kinakabahan talaga ako.

Nanginginig na nga ang kamay ko, pati kili-kili ko pinagpapawisan. Yuck!

‘Diba gusto mong malinawan? Ito na yun, itulak mo lang yang pintuang yan.’

 

Tama, kung ano man ang mga nangyayari sa amin ay dapat ng malinawan. Wala na akong pakiealam kung ano ang mangyayari, gusto ko lang malinawan sa lahat ng mga ito.

That’s why with all my emotional and physical strength I pushed the door open and there I saw the person who can make my heart beat’s go faster and slower at the same time.

Naka-upo ang babaeng mahal ko sa gitna ng court na dim ang lights, pawisan ito at halatang nag-spiking dahil nakakalat ang mga bola sa paligid.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon