AN: After 15 long days, finally an update. Hehehe. :)
_________________________________________________________
No One's POV
"Cha! Kara! Gising! Bilis nandito sila Kim at Ara! Dali Cha!" Pambubulabog ni Rachel sa room nila Charo.
Si Jovelyn naman ay ginising yung iba.
Nagising kasi si Rachel at Jovelyn ng may tumawag sakanila mga 3 am, sila Kim at Ara kasama si Mela at Bang. Balisa ang mga ito at hindi makausap ng maayos kaya naisipan nilang papuntahin na lang dito sa Eliazo.
"Ano ba yan Chel? Alas tres pa oh? Anong ginagawa nila dito?" Tanong ni Char okay Rachel, pero hindi na sila nito pinansin.
"Basta bilis, Kara bangon na importante daw ang sasabihin nila." Napabalikwas naman ng bangon yung dalawa, bigla silang kinabahan dahil hindi naman sila gagambalain nila Kim ng ganitong oras kung hindi ito importante kaya dali-dali silang bumaba.
Naabutan naman niya ang mga bata na nakaupo sa sala pupungay-pungay pa yung iba, sila Kim naman ay balisa kaya kinabahan siya. Tumabi naman siya kay Kara at hinawakan ang kamay nito.
"Kim, Ara, Bang, Mela? Ah anong problema?" Kinakabahang tanong nito sa apat.
"Ate Cha, girls kasi." Panimula ni Mela tapos bigla nalang umiyak yung apat.
"Girls? Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ni Rachel sakanila.
"Mga ate, kasi. We were on our way to Tagaytay..." Pagkasabi ni Kim na Tagaytay, napahawak si Cha sa kamay ni Kara at nagkatinginan sila ni A.
"On our way there, may aksidente sa highway. At first huminto lang kami dahil sa curiosity but then when we got a closer look, i-it was ate Gretch." Pagkasabing yun ni Kim sa Lady Eagles ay walang naka-react agad.
Fille's POV
When I heard what Kim said, parang nawala ako saglit. I didn't know how to react or what to do, natulala lang ako.
All I heard was the cries of my teammates pero wala akong naintindihan sa mga usapan nila, parang nag-fadeout ang paligid.
"Okay, so... oh shit. Kim so saan niyo siya dinala?" ate Cha asked them as she was trying to compose herself.
"May rumisponde naman agad, sinundan namin yung ambulance. Sa St. Luke's siya dinala ate Cha, ate Cha I don't think...." Pagkasabi non ni Ara don na ako humagolgol ng iyak.
End of POV
Charo's POV
"Fille, Fille." Dali-dali akong lumapit kay Fille, hindi na kasi ito humihinga tapos nangingisay at nangingitim na ang kuko.
BINABASA MO ANG
Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)
FanfictionWhen it hits you, it will hit you hard. So keep calm and don't be afraid to show your love to that person.