Chapter 29: Almost Is Really Enough

2.5K 60 3
                                    

AN: Guys, sorry talaga na natagalan ang UD na toh medyo naging busy kasi during holidays. 

Grabe ang gulo na talaga ng RP team, pero actually di naman siya magulo ginugulo lang talaga nila. Hay nako, sana ma-slove na ang problema. 

Pero heto pampa-GV muna! :D

Fille’s POV

Umakyat na ako, at nadatnan ko si Sungkit na naka-higa sa kama niya at nakatingala lang sa ceiling at nakasaksak yung earphones sa tenga.

Ano na naman kaya ang drama neto? Napaka-moody talaga.

Naglakad na ako sa bed ko pero nakatingin pa rin ako, at dahil sa katangahan ko nabangga pa ako sa edge ng bed kaya natumba ako.

“Ouch!”Shet nasugatan pa tuloy ako.

“Hoy anong ginagawa mo jan?” 

“Kita mo naman diba? Malamang nasugatan.” Inis kong sabi, ang slow eh. Kita na nga na nagdudurugo tong tuhod ko tapos tatanongin pa talaga ako? Tanga lang? Tss. -_-

“Tss, kahit kalian talaga clumsy ka.” Sabi pa nito pero di ko na lang siya pinansin at sinubukan ko na lang tumayo.

Nagulat na lang ako ng bigla niya ako tinulungan maka-upo sa higaan. Ng maka-upo na ako, winasiwas ko yung kamay niya na nakahawak sa akin.

“Daming arte, jan ka lang. Kukunin ko lang yung first aid.” Di na ako naka-sagot dahil bumaba na ito.

Pagkalabas niya ng pinto napahiga ako at tinakpan ng unan ang mukha ko tsaka ako napasigaw sa inis.

“Leche! Ba’t ba siya ganyan?! Magpapakilig na nga lang may halo pang kasamaan?!” Sigaw ko habang nakakulob ako sa unan.

“Hoy, anong drama yan?” Napa-ayos naman ako ng upo, at tiningnan lang siya ng masama.

“Pake mo ba?” Pagsusungit ko sakanya sabay irap at cross-arms.

“Alam mo tinatawag moko ng masungit pero mas masungit ka pa kesa sa akin.” Sabi niya pero di ko siya pinansin at di siya tiningnan.

Naramdaman ko na lang na ginagamot na niya yung sugat ko, putakte gusto ko ng gumulong-gulong dito sa kilig pero talaga nanidigan ako at hindi lang ako gumalaw.

Ano ka ba Fille? Diba sabi mo iiwas na? 

Ang hirap naman kasi eh! 

Kasi mas gugustuhin ko pang asar-asarin at away-awayin niya ako kesa sa iwasan siya parang ang hirap naman ata ng ganun. 

Yung tipong noon nagagalit at naasar ako sakanya, pero ngayon parang mas gusto ko na lang na ganun kami para at least may dahilan akong makapag-interact sakanya kahit gusting-gusto ko na siyang sapakin minsan. Hay naku! Ang gulo na talaga!

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon