Chapter 16: OPLAN FILLECHEN

2.6K 55 2
                                    

AN: O UD-UD na! Hahaha, konting kembot na lang at Volleyball season na sa UAAP. Grabe excited na ako! Hehehe. Eh kayo ba guys, excited na rin ba kayo?

Fille’s POV

“Oh eto, ako naman. Mae ano bang height mo?” Banat ni Ella, nandito na kami sa Jollibee kumakain at ngayon nagbabatohan sila ng pick-up lines.

“6’2, bakit?” Naks, kunware pa tong babaeng to eh deep inside kinikilig naman yan.

“Ha?! Ang tangkad mo pala?! Paano ka nag-kasya dito sa puso ko?” Naks, gumaganon si madam. Hahaha!

“Yun oh!” Gatong namin, si Mae naman napayuko. Naks, hahaha.

“Hoy kulit.” Tawag ni Sungit sa akin, kanina pa yan eh nakakaasar na. Sinandya niya pa talaga na magkatabi kaming dalawa. “Hoy, ah sige ka sisigaw ako dito.” Banta niya, as if naman na gagawin niya talaga yan. Kaya hindi ko lang talaga siya pinansin. “Hoy Fille.” First time ah! Pero hindi ko pa rin siya papansinin.

“Ate Fille baka gusto mo ng mag DEDMAtologist, este derma pala?” -_-

“Ah ganun Ella? Baka gusto mong ikaw na lang bagbayad ng kinain mo?” Banta ko sakanya at pinandilatan ko siya ng mata.

“Ah, hehehe ate Fille naman joke lang.” Kita niyo na napaka-kuripot.

“Hoy Fille.” Tawag ni Sungit pero bahala siya, di ‘ko siya papansinin noh. Eh sa galit pa ako sakanya.

“Ayan tuloy, bubuhus-buhusan ng pintura pagkatapos pag hindi pinansin magapapa-cute. Naku, Gretta ah malakas na ang tama ng utak mo.” Sermon ni Dzi, sermon daw pero halatang natatawa.

At opo, binuhusan niya ako ng pintura. At eto pa, kulay pink pa talaga! Mukha tuloy akong sinukaan ng cotton candy -____-.

“LQ na naman yan.” Parinig pa ni ate Cha, sarap asarin nito eh. Galit na galit nong may ka-date si Ate Kara, pagkatapos ginawa pang excuse yung training.

“Hoy Kulit ah, baka mamaya gusto mo lang talaga ng paglalambing ko?” O_O -_- >.<

“ABA ANG KAPAL MO RIN EH NOH!” Bulyaw ko sakanya at hinampas ko.

“Aray ah!” Sabi pa niya at hinimas yung balikat niya.

“Tigil-tigilan mo ‘ko singkit ah.” Naiinis na sabi ko sakanya, at kumain ng lang.

“Sus kunware pa.” Rinig kong bulong niya, sarap sanang hamabalusin eh pero kinontrol ko na lang yung sarili ko at nag-focus sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain nagsiuwian na kami sa Dorm, pagdating namin sa dorm kanya-kanya na kami. Yung iba nanoog ng TV at yung iba naman gumagawa ng school works. Ako naman naisipan kong bumisita sa bahay dahil namimiss ko na rin sina mama, kaya nagpaalam ako kay Kapitana.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon