Chapter 11: Unexpected Things

2.6K 52 4
                                    

AN: Guys, sorry kung ngayon lang ako nakapag-UD. Pero don't worry, I'll be updating 3 chaps. :D 

____

Fille’s POV

Alam niyo yung tipong gusto niyo ng mag-resign pero di pwede? Shet lang, okay lang naman na maging alalay niya ako kung maaayos lang din yung mga inuutos niya kaso HINDI! HINDI OKAY!

Andyan na yung pinasayaw niya ako sa harap ng maraming tao sa cafeteria para ‘DAW’ sa entertainment niya, pinakanta sa hallway, lahat ng mga Gawain niya sa akin niya pinapagawa. Shet pati paghahanda ng pagkain at damit niya sa akin inouutos! >.<

Kulang na lang itulak ko siya sa wheelchair para wala na talaga siyang gawin! Tapos ginagawa pa akong chaperone sa mga date niya kasama ang mga mahaharot na babae. Tulad na lang ni Andrea na sa Nursing department, si Kate na galing sa HRM department at iba pa na galing sa  ABA-MALANDING DEPARMENT!

Nakakainis lang, halata namang hindi siya interesado sa mga babae kasi sa huli sinasabihan na lang niya ito ng linya niyang pamatay. Memorize ko na nga eh: “I’m sorry babe, it’s not you, it’s me. I don’t feel any spark, I’m sorry but I’m not the right one.”

 

Kainis!!! Konti na lang, as in konti na lang!!! UGH!!

Sa loob ng isang gabi mga tatlong babae ata ang dinidate ni Sungkit eh, ang harot!

“Hoy ate Fille naka-busangot ka jan?” Nabalik naman ako sa wisyo ko dahil sa pagtawag ni Denden sa akin.

“Wala, nakakainis lang yang si Gretchen! Pero okay lang, 3 days to go. Kaya ko to, konting tiis na lang at ako naman ang gaganti.” Sabi ko pa na may panggigil.

“Ses, pero amiminin sa mga pambubuwesit na ginawa ni ate Gretta sa’yo pinakilig ka rin niya.” Panunukso niya, ayan na naman. -___-

Flashback

 

Shet, sa tanang buhay ko ngayon lang ako natagusan. >.<

Waaah!! ‘Di tuloy ako makatayo dito sa upuan ko, kakaring pa lang din naman ng bell at hinihintay ko pang mawala lahat ng tao dito.

“Oh ate Fille, di ka pa tatayo?” Tanong ni Den sa akin, kami na lang kasi ang natira dito sa loob.

“Ah eh, hehehe. Una na lang kaya kayo?” Nag-aalangang sabi ko sakanila, nakakahiya! >.< Ba’t ngayon pa?!

“Okay ka lang ate Fille?” Tanong ni Ly sa akin, waaah nakakahiya! Alangan namang sabihin ko yung totoo?!

“Oo nga ba’t parang hindi ka makatayo jan?” Tanong ni Bea sa akin, waaah lahat sila napatingin sa ‘akin. Oh lupa, lamunin mo na ako! >.<

“Ah eh, ano kasi…. GUYS NAKAKAHIYA!” Sabi ko sakanila sabay talukbong sa desk ko at tago ng mukha ko, WAAAAH! >.<

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon