Chapter 15: Kulitan

2.5K 52 7
                                    

AN: Last-UD na to, hahaha. Next time na ulit, naubusan na ako ng ideas eh. Promise, I'll update sa soon as I can. :D Enjoy!

____________________

Fille’s POV

Hay sa wakas, tapos na! Tapos na ang pagiging alalay ko, it’s been a week nong matapos na yung deal. Pero sa totoo lang namimiss ko din yung masungit na singkit nay un. Nong last day nga, di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot.

Kaya eto ako ngayon, tulala. Habang yung mga teammates ko naman nagkukulitan, lunch break na kasi kaya nandito kaming lahat sa cafeteria para kumain. Pero ako, wala akong gana. 

Una, dahil ang dami ko pang projects na dapat i-pass bago mag-start and UAAP. Pangalawa namimiss ko din yun family ko at pangatlo naiinis na ako jan kay Gretchen.

After kasi nong deal, balik na kasi sa dati. Pero ngayon, aba syempre nakakaganti na ako noh!

“Hoy baka matunaw.”

“Pinag-sasabi mo jan A. Wala nga.” Sabi ko sakanya tapos umayos ng upo.

“Asus, kunware ka pa jan. Tara na nga, malelate na tayo.” Sabi niya at pumunta na kami sa mga klase namin. Ako, si Jem, A at Bea ang magkaka-pareho ng klase ngayon kaya kami ang nag-sama-sama.

Habang naglalakad kami sa hallway nadaanan pa namin si Sungit na nakikipag-landian dun sa mga babae. -____-

“Wala pala ah.” Rinig kong sabi ni Jem, sarap pektusan ng babaeng toh eh.

Pumasok na kami sa class naming pagkaboring-boring, pero oy nakikinig ako ah ang bait ko kaya. ^_^

“Guys training daw after class.” Bulong ni Jem sa akim, magkakatabi lang din naman kami.

“Kala ko ba may meeting sila coach?” Tanong ni Bea.

“Maaga daw natapos eh.” Sabi ni Jem.

“Ay sayang naman.” Sabi ko, para kaming nagpre-prayer meeting ditong apat.

“Ayaw mo ba ‘non ate Fille, makikita mo na yung Sungkit mo. Hehe.” Asar niya sa akin at naasar naman ako. -___-

Reresbak pa sana ako ng bigla kaming tawagin ni Prof.

“Tan, Cainglet, Ferrer at Nacachi why don’t you share your topic here in front?” Hangtaray talaga ni Prof!

“Ah, sorry po.” Sabay naming sabi apat sabay kamot sa ulo.

“Now, back on the topic….” Nagka-tinginan lang kaming lima sabay napatawa ng mahina.

Pagkatapos ng torture naming klase, dumiretso na kami sa oval para mag-jog. Jusko papatayin na ata kami ni coach eh.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon