Chapter 31: The Visitor

2.4K 57 10
                                    

AN: Sorry sa super duper late na-UD! Busy kasi ang school namin sa preparation for the Sinulog celebration kaya medyo naging hectic ang sched ko. Hopefully maka-bawi ako sa UD na toh. :D Hopefully more would read this story para naman ganahan ako palagi. :)

______________________

Fille’s POV

Sobrang nga-nga lang kami sa dorm ngayon kasi weekend eh, tsaka kakatapos lang din ng training. Sobrang challenging pa para sa akin, hindi lang yung drills kundi pati na din yung taong nagbibigay ng ibang drills sa akin.

Ilang beses niya akong sinubukang kausapin, hatakin o di kaya ay cornerin eh sa bawat subok niya ay nagmamatigas ako. Ayoko, hindi pa ako ready kasi hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kapag nagkausap kami. Atsaka ano pa bang pag-uusapan namin?

What happened last week? Yun ba? Ayoko ko ng pag-usapan yon, alam ko namang wala lang yun sakanya. If it didn’t mean anything for her, well it meant the world for my beating heart.

Hay nako, paano ba ako napunta sa puntong toh?

Nagsimula lahat sa simpleng bola na tumama sa mukha ko. Shet na bolang yun.

“Hi guys!!!!” Para namang nabulabog ang boung Eliazo ng dahil sa sigaw ng yun ni ate Rachel.

“Hoy grabe, makasigaw ka naman parang nasa-kabilang bundok ka.” Sabi ni Ella dito kaya naman sumimangot si ate Rachel, hahaha.

“Ginaganyan mo ako ah? Sige wag kang kumain nitong dala kong pizza.” Sabi ni ate Chel at pinakita yung 4 na box ng pizza na dala niya.

“Ah eh, hehehe. Ate Chel, joke lang yun. Kung gusto mo sumgiaw ka pa ulit eh, ano may kailangan ka ba ate Chel? Kailangan mo ng tulong? Game ako!” Walangya talaga tong si Ella, pagdating sa pagkain tumitiklop talaga.

“Hay nako ate Chel, kainin natin yang dala mo.” Sabi k okay ate Rachel at pumunta kami sa kusina, kasunod namin si Ella. Hahahaha.

“Oy sarap niyan ah!” Sabi ni Marge na kakatapos lang mag-hugas ng mga pinggan at lumapit sa amin.

“Sus, masarap talaga toh Marge. Kaya halika kumain tayo, hindi natin isasali yung iba jan na nangangaway.” Parinig ni ate Chel kay Ella, si Ella naman sumimangot.

“Babe, ito na yung mga binili mo kanina oh.” Sabi ni Jovelyn mula sa may sala at pumasok na ito sa kusina at nilapag yung dala niya.

“Ano po yan?” Tanong ni Denden na kakapasok lang.

“Pagkain, masarap na pagkain.” Sabi ni ate Rachel at humarap siya kay Ella.

“Ate Rachel naman eh.” Daing ni Ella, pero inisnub lang siya ni ate Rachel.

“Guys halika kayo sa kitchen! May dala akong pagkain!” Tawag ni ate Rachel sa mga teammates namin at nagsipuntahan naman sila dito sa kusina.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon