Chapter 13: Back To Normal -_-

2.5K 53 5
                                    

AN: Ano guys, one more chap? Hehe, sabihin niyo lang if gusto niyo pa ng one more UD at gagawin ko.

_______________

Fille’s POV

Kung minamalas ka nga naman oh, late na ako sa first subject ko! Walangyang Sungkit yun eh!

Kagabi ang bait-bait pa, pero shet lang inadjust ba naman yung alarm clock ko! -___-

Kaya eto ako ngayon nagtatakbo papuntang room, ugh! Naku, lagot talaga siya sa akin! >.<

Pagdating ko sa classroom syempre pinagalitan ako ng prof ko. -_- Kainis lang, 20 minutes na kaya akong late bwesit talaga yung babaeng yun!

Pagkatapos ng klase ko, hinanap ko agad siya. Ang aga-aga sinisira niya yung araw ko! Nakita ko siyang nakikipag-kuwentuhan nina A, Marge, Aly at Bea sa may hallway. Nilapitan ko siya atsaka ko pinagpapalo at sinuntok ko at kinurot!

“Ikaw! Nakakainis ka na ah! Sumusobra ka na!” Sabi ko sakanya at padabog habang pinapalo ko siya.

“Aray! Ano ba- tumigil ka nga!” Sabi nyia habang iniiwasan yung mga palo ko.

“Jan ka na nga!” Galit na sabi ko tsaka padabog na umalis.

“Mahal talaga ako non’!” Narinig ko pang pagmamayabang niya, yuck! >.< Ang kapal!

“Mahal? Eh binogbog ka nga! Hahaha!” Narinig kong sabi ni Bea at nagtawanan sila.

“Diba nga sabi nila, you only hurt the one you love! Hahaha!” Sabi pa niya, aba’t-UHG!!!

“Gago! Hahaha!” Sabi pa ni A! Bwesit!

Umalis na ako at pumunta sa may garden para magpalamig ng ulo, baka mamaya mapatay ko na talaga siya ng wala sa oras.

Naupo na lang ako sa isang bench dito sa garden, swerte pa na walang tao dito ngayon.

“ARRRRGG! Kainis!” Mababaliw na talaga ako dito, mag-isang kausap ang sarili ko. Nakakainis namna kasi si Sungkit eh!!

Kagabi ang bait-bait may padate-date pa, tapos ngayon balik sa pagiging bully! Shet lang, at naiinis rin ako sa sarili ko kung bakit ganito na lang ako mag-react. She have done this before pero bakit…. UHG!

 “HOY!”

“AY SHEEET!”

“Maka-shet ka naman jan.” Sabi niya, habang ako naman huminga ng malalim. Nanggugulat na lang kasi eh.

“Ba’t ka ba kasi nanggugulat eh? Tsaka anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sakanya.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon