Chapter 21: I'm not well

2.4K 51 0
                                    

AN: Sorry dahil hindi ako nakapag-UD for 8 days, hehehe. :D Hopefully magustuhan niyo po tong chapter na to. :D Enjoy!

____________

Fille’s POV

Grabe na drain yung utak ko dun sa exam naming, parang feeling ko masusuka ako na ewan. Basta masama ang pakiramdam ko, para akong lalagnatin. Buti na lang last ko na na klase yun, kaya dumiretso na akong dorm.

Nandon na din naman yung mga teammates ko pwera na lang kay Sungkit at Dzi.

Kaya kahit hilong-hilo ako, pinilit ko talagang maglakad papuntang Eliazo. Nakrating naman ako ng dorm, kahit na nanghihina ang katawan ko.

Pagdating ko don, naabutan ko silang bihis na bihis. Mukhang may lakad ang team.

“Oh Fille, may lakad tayo.” Sabi ni ate Kara sa akin pero di muna ako sumagot at nahiga don sa sofa at umunan sa paa ni Denden. “O okay ka lang?” Nag-aalalang tanong ni ate Kara sa akin.

“Wala, masama lang ang pakiramdam ko.” Sabi ko lang sakanila, ayaw ko naman silang magalala pa sa akin.

Yumuko si ate Cha at hinawakan ang noo at leeg ko.

“Anong wala?! Eh ang init-init mo, pwede na akong magluto ng bacon jan sa noo mo!” Sabi naman ni ate Cha.

“Ate naman, alam kong hot ako noh.” Biro ko pa sakanya.

“Nako, nakuha mo pang magpatawa. Kumuha nga kayo ng gamut.” Sabi ni ate Cha

“Ay ako po ate, meron ako.” Sabi ni Den. “Bea ikaw muna dito, kukunin ko lang yung gamut.” Sabi ni Den at nagpalit sila ni Bea, tapos tumakbo ito sa taas.

“Ano bang nangyari sa’yo at nagkalagnat ka Fille?” Tanong ni A sa akin.

“Wala naman, basta kanina pag-gising ko ganito na ako. Nangingisay, pero isang paracetamol lang gagaling na ako neto.” Paninigurado ko sakanila para di na sila mag-aalala, saktong dumating na si Den na may dalang gamut at tubig.

“O ate Fille inumin mo muna to.” Sabi ni Den at inabot sa akin yung gamot at tubig, pagkatapos ay inilapag ko yung tubig sa table.

“Salamat doctora.” Sabi k okay Den, tapos para na akong lasing na ewan. Basta hilong-hilong-hilo ako ngayon, pero pinipilit kong hindi ipakita sakanila dahil ayaw ko nga silang mag-alala.

“Paano ba yan Fille, eh may lakad tayo.” Sabi naman ni ate Kars sa akin.

“Kayo na lang ate, dito na lang ako. Atsaka okay lang naman ako.” Sabi ko sakanila sabay thumbs up.

“Sure ka ah, pwede naman akong magpaiwan dito.” Sabi ni ate Cha pero agad ko itong pinigilan.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon