AN: Thank you po sa mga nag-babasa nito! I hope you continues to read my story, pagpasensyahan niyo na po ako first time ko kasing gumawa ng fanfic. And by the way i-share niyo po to sa kapwa nating supporters ng ALE o di kaya Fillechen shippers jan. Alam kong wala na ang Fillechen pero hindi naman talaga maidedeny yung chemistry ng dalawang to diba? ;) Enjoy! :D
Fille’s POV
Lipatan na sa dorm ngayon, I’m soooo Exzoited!!! Hahahaha!
So inayos ko na yung mga huling gamit na dadalhin ko sa dorm, tapos naligo na rin ako.
Nag-mini concert pa ako sa banyo, ganda kaya ng boses ko! Hahaha, hangin.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako.
Nag hoody lang ako tapos nag-shorts atsaka doll shoes. Hindi ko feel mag-bihis today eh, atsaka excited na kasi akong umalis at pumunta sa dorm. Hello, kakaibang experience kaya yun. Pero malunkot din kasi di na kami araw-araw magkikita nila mama at papa at ng kapatid kong kalog.
Pagkatapos kong mag-ayos nagpatulong ako kay manag para maibaba yung mga dadalhin kong gamit, tapos kumain na rin ako ng breakfast kasama sila mama, medyo maaga pa naman eh.
“Nako, pakabait ka ‘don anak ha.”Paalala ULET ni mama, hahaha. Napaka-caring talaga nila mama eh, kaya love na love ko sila.
“Bawal pa ang boyfriend ha.” Sabi pa ni papa.
“Nako, bawal pa boyfriend pero girlfriend pwede!” Singit naman nitong loka-loka kong kapatid.
“Basta pag may nangligaw sa’yo dapat dumaan muna sa amin, mapa-lalaki o babae pa yan.” Kita mo to silang mama at papa, wala silang pakealam kung ano pa ang gender ng taong mamahalin ko basta’t maging masaya lang ako at hindi ako sasaktan ng taong iyon.
“Papa, talaga. Sige na po, mauuna na po ako.” Paalam ko sakanila na may halong lungkot din, syempre mamimiss ko sila.
“Sige anak, bumisita ka dito ah at dalhin mo yung mga kateammates mo.” Sabi ni mama tapos isa-isa ko silang niyakap tapos umalis na ako.
Hay, kahit papaano mamiss ko sila. Yung mga luto ni mama, yung pagiging caring ni papa at ang kakulitan ni Dindin.
Pero ngayon, syempre kailangan kong matutunan na tumayo sa sariling mga paa.
‘Di ko namalayang nandito na pala ako sa Eliazo Dorm, kaya napahinga ako ng malalim. This is it pancit!
Lumabas na ako ng kotse dala-dala yung mga gamit ko, konti lang naman to kaya nakaya kong bitbitin lahat. Nong makapasok na ako sa loob kumatok na muna ako.
Pagbukas ng pinto si ate Cha ang bumati sa akin.
“Oy Fille, halika pasok. Teka, tulungan na kita jan.” Sabi niya at dinala yung isa kong bag.
BINABASA MO ANG
Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)
FanfictionWhen it hits you, it will hit you hard. So keep calm and don't be afraid to show your love to that person.