AN: Second UD na toh! :D I hope talaga mas marami pang ang magbabasa ng story ko. Salamat nga pala sa mga solid at silent readers ko. Atsaka I hope you guys will comment so we can interact. :D
ENJOY! :D
__________________
Fille’s POV
“So ano? Maganda ba?” Tanong ni Gretchen sa akin, hindi agad ako makasagot.
Sobrang ganda dito, yung mga walls sa paligid may mga painting at yung iba may spray-paint. Ang gaganda nga mga painting, parang may istorya.
May painting ng batang babae na naka-upo sa isang waiting area, sobrang familiar. Parang déjà vu, may painting ng isang babaeng medyo misteryoso at hindi makita yung mata at tanging ngiti lang neto ang makikita. Ang ganda, sobra.
Pero may isang malaking wall dun na wala pang painting.
“Wow, I mean sinong may gawa ng mga toh?” Tanong ko at nilapitan ko yung mga walls at hinawakan ang mga toh.
“Well, ako.” Sabi niya, at napatingin naman ako sakanya. “Bukod sa volleyball, ito ang kinahihiligan ko. Painting, pictures, art.” Sabi niya sa akin, at may kinuha ito sa bag na dala niya.
“Weh?” Sabi ko sakanya.
“Oo nga, pumupunta ako dito kapag problemado ako. O pag-gusto ko lang magrelax, dito ko ineexpress ang nararamdaman ko.” Sabi niya.
Yung mga painting sa bahay nila? Ganito din yung ma yon, parang iisang tao lang yung pinipaint niya.
“Ikaw din ba ang gumawa ng mga painting na nasa bahay niyo?” Tanong ko sakanya, at inikot ko yung iba pang pader.
“Ah oo.” Sabi niya.
“Sino naman ang babaeng toh? Parang paborito mo siyang subject?” Tanong ko sakanya.
“Madalas ko siyang mapaginipan, pero hindi ko makita ang mukha niya. Parang ang saya ko sa tuwing kasama ko siya, kaya siguro naging babaero na ako haha. Dahil siguro sa kakahanap ko sakanya, ewan ko ba. Pero this past days, tumigil na yung pag-dalaw niya sa panginip ko.” Explain niya naman tapos ay napatango na lang ako.
Ngayon ko lang nakita ang side niyang toh, she’s being brave. I know that, because she’s showing me all of this kahit hindi naman dapat. And somehow I feel flattered, that she trusts me with all of this.
“Eh etong wall na to? Ba’t wala pa tong painting?” tanong ko sakanya, at lumapit ako at tumabi sakanya.
Naghanda siya ng blanket sa gitna ng court at may mga dala din siyang mga pagkain.
“Nireserve ko yan para sa taong magkukulay sa mundo ko.” Sabi niya tapos napatingin ako sakanya at napakunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)
FanfictionWhen it hits you, it will hit you hard. So keep calm and don't be afraid to show your love to that person.