Chapter 8: Spice

2.7K 63 4
                                    

AN: Sorry, medyo natagalan yung UD ko. Alam niyo na medyo busy sa school, at nagkataon pa na this month yung mga competition na sinalihan ng school namin. Napaos tuloy ako, pero worth it kasi 1st runner up ang elementary drum corps, 2nd runner up ang H.S drum corps, 1st princess ang pambato namin sa Miss Teen Tourism at champion kami sa Cheerdance competition! :D Go Saint Vincent's College! Blue is our power! White is our spirit! Hehehe, sige ito na talaga yung chapter 8. :d Enjoy!

Fille’s POV

Masaya naman pala kasama at kausap ang mommy ni Gretchen eh, wala naman kasing rason para kbahan ako. Pero in the first place bakit ba ako kinkabahan? Hay ewan.

“So iha, what about your parents? Your family?” Tanong ni tita sa akin, kumakain na kami ng dessert. And she was right, Gretchen really is a great cook. Sobrang sarap ng mga pagkain, but of course I’m not gonna tell her that baka mamaya asarin lang ako ‘non atsaka mas lalo lang lalaki ang ulo ni Sungkit.

“May isa akong kapatid na babae, nasa UP po siya nag-aaral. Si mommy naman po ay nurse, at si dad naman ay President ng company nila.” Pagkukwento ko, hindi ko na sinabi na may ari din ng mga hospital sila mommy. Ayaw ko kasing sabihin ng ibang tao na sobrang yaman namin, I don’t want that. We don’t want people to look at us differently just because of the money that we have, we are all the same.

“Ah, I see. Parehos pala kami ng mommy mo, I’m also a nurse. And my husband is also a president of a company. Ano nga pala pangalan ng parents mo iha? Baka sakaling kilala ko sila.”

“Si Philip Cainglet po at yung mommy ko naman si Mercedes Cainglet.”

(AN: gawa-gawa ko lang yung mga name nay an ah. Hehehe.)

“Ay! Ba’t di mo sinabi na si Philip at Cedes pala ang parents mo! Magkaka-batchmates kami dati, kasama ko pa sa duty yang mommy till now at kasosyo ni Daryl si Philip. I didn’t know na ikaw pala yung daughter na laging kinukuwento ni Cedes sa akin, si Dindin lang yung nakilala ko eh.” Sabi ni Tita, which  surprised me.

Ngayon ko lang kasi nalaman na may best friend pala tong parents ko.

“Eh iha, may boyfriend ka na ba?” Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni tita, kaya napa-ubo tuloy ako.

“MOMMY!” Nahihiyang sita ni Gretch kay tita, tapos inabotan ako ng tubig. Hinagod niya pa yung likod ko, she cares? Ay wag’ mag-assume Fille, baka mamaya namistook mo lang ang actions niya.

“Ah it’s okay, ah wala po. I never had a boyfriend before.” Sabi ko at kumain na lang, nahihiya na kasi ako talaga. Namumula na nga siguro yung mukha ko eh.

“Edi pwede ka pa palang ligawan nitong si Gretchen.” This time nabilaukan na talaga ako sa sinabi ni tita, kaya agad akong uminom ng tubig.

“MOMMY! Nakakahiya po.” Sabi ni Gretchen, hindi naman galit yung mukha niya. More on nahihiya, first time ko atang makikita ang mukha niya na ganito. Hahaha, sarap picturan.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon