And that was the first time I caught my heart beating for the first time and it never stopped beating for the girl who once invaded my dreams and now show up in my reality.
Tama kayo, yung babaeng nakita ko noon sa may waiting area is the girl in my dreams.
Kung sa panaginip ay napapangiti niya ako, sa realidad ay pinapatibok niya ang puso ko sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti niya.
*Flashback*
Muntik ko ng mabitawan ang camera ko, yung mga mata niya. Yung mga ngiting yun, siya yun. Siya yung babaeng nasa panaginip ko.
At sinundan ko ito ng tingin, lalapitan ko ba?
Shet, ano naman ang sasabihin ko?
‘Miss nagkita na tayo dati, sa panaginip ko.’
Ew, ang baduy at ang creepy naman ata masyado.
Hay bahala na nga, tatayo na sana ako para lapitan siya pero tumayo din ito at pumasok sa sasakyan na dumaan sa waiting area.
Para naman akong nabagsakan ng langit habang pinapanood kong lumalayo na yung sasakyan na sinasakyan niya.
Ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya, ni hindi ko man lang siya nalapitan o nakausap.
Bagsak ang balikat ko na bumalik sa loob ng opisina ni mommy, tinitingnan ko na lang yung pictures na kuha ko. Haaay, ang ganda niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha niya, finally nakita na rin kita.
“Ang ganda mo pala, sobrang ganda mo.” Parang-ewan na kinakuasap ko yung picture niya na sa may waiting area.
Pumunta na ako sa opisina ni mommy, hinintay ko muna sila since nandon pa sila sa may ER may pasyente ata.
Umupo muna ako sa may sofa dito, tiningnan ko naman yung isang table. Kay tita Cedes ata, may picture niya kasi kasama yung husband niya.
Teka diba siya yung may –ari ng hospital na ito? So meaning ito yung ka-business partner nila daddy. Tiningnan ko naman yung mga litratong naka-display sa may table ni tita, teka is that….. hala siya ba toh?
Tumayo ako at lumapit don sa picture frame, mukhang family picture nila tita Cedes kasama ang dalawang batang babae. At yung isa sa mga bata kilala ko, siya yung babae sa panginip ko!
Anak siya ni tita Cedes! Ang galing naman, mukhang pabor talaga sa akin ang lahat. Napangiti naman ako ng malaman na may paraan na para makita ko siya.
“Hey.” Nagulat naman ako ng may nagsalita sa likuran ko. “I’m Dindin, anak ako ni Mercedes Cainglet. And you are?” Oh so siya yung kapatid, can this day get any better?
BINABASA MO ANG
Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)
FanficWhen it hits you, it will hit you hard. So keep calm and don't be afraid to show your love to that person.