Chapter 1: First Day

6K 85 0
                                    

Chapter 1!!! :D

_______________________________________________________________________________

Ito lang ang masasabi ko….. OH-EM-GEE! First day ko na pala ngayon sa college, nakakakaba pero at the same time nakaka-excite! Paano ba naman kasi eh sa Ateneo De Manila University lang naman ako mag-aaral, one of the best schools here in the Philippines. Excelling not just in academics but also in sports and competions, hahaha nag-segway pa ako!

Dahil first day today at excited ako, sobrang aga ako gumising. As in 5:00 pa lang gising na ako, ngayon din kasi ang tryout ng volleyball ang of course sasali ako noh. At kung tinatanong niyo kung magaling ako? Oo naman! Sa ganda kong toh? Choss, mahangin ata eh.

Ay oo nga pala, muntik ko na talagang makalimutan magpakilala. I’m F-

“FILLE SAINT MERCED NOMBRES CAINGLET!” Mama talaga panira eh, inunhan pa ako sa pagpapakilala. Nakalimutan pang dugtungan, dapat kasi: Fille Saint Merced Nombres Caingelt SOBRANG GANDA!

“Ito na po! Baba na!” Sigaw ko pabalik sakanya, excited tong si mama eh.

Dali-dali ko ng dinala yung mga gamit ko at mga kakailanganin ko. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin, BOOM! GANDA!

“Nu ba yan Fille! Gutom na ako!” Sigaw ng kapatid kong si Din.

“Oo nga, ito na.” Sabi ko habang pababa ng hagdan.

“Kala namin kinain ka ng kwarto mo nak eh.” Biro ni dad sa akin, at sumimangot na lang ako.

“Sus sumimangot ka pa jan eh, dali na kumain ka na para di ka na malate atsaka may surprise kami sayo.” Excited na sabi ni mommy. At dahil nacurious ako ‘don sa surprise nila dali-dali akong kumain , din a nga ako nakipag-kuwnetuhan kila dad at Din eh. Hahahaha.

“Nak, hinay-hinay naman jan baka mabulunan ka naman.” Sabi ni daddy sa akin.

“Tapos na nga po ako eh.” Sabi ko habang nginunguya pa yung pagkain na nasa bibig ko na, uminom agad ako ng tubig.

“Oh ano ready ka na ba sa surprise namin?” Sabi ni mommy at ang laki pa ng ngiti.

“Oo nga Fille, ipapasok ka namin sa box tapos susunugin at itatapon ka namin sa Pasig River. Ano bet mo?”

“Langya ka Din, ikaw jan ang ipasok ko eh.” Naiinis na sabi ko sakanya tapos binelatan niya lang ako.

“O tama na yan, dali na Fille.” Sabi ni mommy at pumunta na kami sa labas ng bahay. Oh ano naman ang gagawin namin dito?

Tapos lumabas pa kami ng gate, ay teka ba’t may nakaharang ng kotse dito sa driveway eh bawal. Pero infairness ang ganda talaga ‘nong car, bagong-bago na Kia Sorento.

“Mommy, ang tanga naman ng may-ari ng kotseng to kita mo ng may nakalagay na No Parking, Don’t Block The Driveway eh.” Sabi ko at ngumuso don sa sasakyan.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon