Chapter 9: Not So Good Morning

2.8K 57 3
                                    

AN: As promise, here is my update. :D Grabe, hell week na pero malapit na rin naman ang sem-break! :D Sarap umuwi sa Bohol eh, namimiss ko na yung mga lola at lolo ko. Guys sino ang naka-punta sa Bohol recently? Kumusta na don?

Enjoy chapter 9! :D

Fille’s POV

Pagkatapos naming mag-bihis ay naglaro kami ng videogames at kakampi ko si Kite, walang humpay na trash talk ang nangyari sa pagitan namin ni Gretchen. Syempere umandar na naman ang pagiging competitive naming dalawa at walang gustong magpatalo.

Pagkatapos naming maglaro, kumain na kami ng dinner kasabay namin si tita, wala na yung kambal kasi sinundo na sila ‘nong kuya ni Gretchen.

Nameet ko din yung kuya niya, mabait din ito at napaka-pleasant. Kaya palaisipan pa din kung bakit ganun na lang ang ugali ni Sungkit samantalang ang babait naman ng pamilya niya.

“Kumusta naman kayo kanina dito sa bahay Fille?” tanong ni tita, tiningnan ko si Gretchen. At gustong-gusto ko siyang siraan sa mommy niya pero tinaasan niya ako ng kilay. Kaya para iwas gulo, ngumiti na lang ako bago sumagot.

“Ayos naman po, nakakatuwa pong kasama yung kambal kanina.” Sabi ko tapos nagkuwentuhan kami ng kung ano-ano. Napag-usapan din yung about sa academics at sports, habang yung isa patango-tango lang at nakikinig lang sa amin. Balik sa dating sarili niya kung baga.

Ng biglang bumuhos yung ulan sa labas.

“Nako, ito na siguro yung bagyong sinasabi kanina sa news.” Sabi na lang ni tita at patuloy na kumakain, ako naman ay may inaalala. Paano kami makakauwi ng dorm?

May sasakyan naman pero sigurado akong babahain kami sa daan kapag sumulong pa kami. Atsaka delikado na rin, baka maaksidente pa kami.

“Ah eh, paano na tayo makakauwi neto?” Nag-aalalang tanong ko.

“Nako, wag’ na muna kayong umuwi at delikado na.” Sabi ni tita sa amin habang tinitingnan yung ulan sa may bintana.

“Eh paano po yan eh may klase pa po kami bukas ma?” Sabi naman ni Gretchen.

“Nako ang mabuti pa ay dumito na muna kayo, at gumising na lang kayo ng maaga bukas.” Suhistyon naman ni tita.

“Ah eh, nakakahiya naman po.” Nahihiyang sabi ko, ang totoo niyan ay naiilang lang talaga ako kay Sungkit.

“Nako iha ‘wag ka ng mahiya. Sige na, dito na lang kayo. ‘Don kana matulog sa kwarto ni Gretchen.”

“PO?!” Gulat na tanong ko, nagulat tuloy si tita. “Ang ibig ko pong sabihin ay, ah o-okay lang po ba yun?” Lumusot ka, lumusot.

“Oo naman, diba Gretchen?” Napa-baling tuloy ang tingin ko kay Sungkit.

“May magagawa pa ba ako?” Walang ganang sagot nito, napaka ano talaga neto. Sweret niya nga at ako ang kasama niya, hello ang dami kayang nagka-kacrush sa akin. Kaso nga lang mas maraming nagkakacrush sakanya. -____-

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon