Chapter 10: Alalay Mode

2.8K 60 6
                                    

AN: Guys, ginanahan ako eh. Hahaha! Inatake ng mga ideas ang utak ko kaya maga-update ako! :D Bunos chap na to. :D

Ay by the way, magbunyi ang mga Fillechen fans! Magka-teammates na naman si ate Gretchen at ate Fille! :D Excited na tuloy ako sa PSL. Pero syempre yung UAAP! Let's support the Ateneo Lady Eagles. Anyway here is chapter 10, enjoy! :D

Fille’s POV

Pagkatapos naming kumain sa bahay nila Sungkit, ay dali-dali kaming bumalik sa dorm dahil may early training pa kami. Pagdating namin ay sandamakmak na tanong at panunukso ang inabot namin, mabuti pa sana kung san’ damakmak na sermon na lang yun eh. -_-

“Ikaw Gretta ha sinosolo mo yang si Fille.” Panunukso ni Jem sa amin. Kitams, kanina pa yan sila eh. -__-

“Tss, tara na nga.” Naiinis na sabi ni Gretchen at nag-walkout.

“Kayo kasi eh, wala naman kasi yun.” Sabi ko naman, kung ano-ano na naman kasi ang pinag-iisip ng mga toh.

“San ba kasi kayo nagpunta? Make kwento nga.” Sabi ni Bea sa akin, kaya nag-kwento naman ako. Sila naman todo sa pakikinig.

“Yun nga, nameet ko yung mommy niya.” Kaswal kong sa sakanila matapos kong magkuwento.

“Naks, meeting the mom level na sila. Uieeeee….” -_-

“CHE! Tara na nga!” Nauna na akong maglakad sakanila.

Pagdating kasi namin kanina ay agad na kaming nagbihis para mag-training.

‘Di ko alam kong ano ang nakain ng mga to at naisipang maglakad papuntang BEG. Eh ang layo ‘non sa Eliazo Bldg.

Habang naglalakad kami di na syempre maiwasan ang kakulitan at mga kalokohan. Kung anong kajejehan ang pinaggagawa namin sa daan eh, tapos bigla-bigla na lang titigil para mag selfie or groupie. Pinagtitingnan na nga kami, para kaming ewan dito. Hehehe.

Teka nga pala, san na pala yung si Sungkit? Ba’t ko ba siya hinahanap?!

Pero seriously, san’ na kaya yon? Nag-walkout naman kasi yun kanina, napaka-initin ng ulo. Haays.

“Baka naman nauna na sa BEG.”

“Ay pucha! Jem naman eh!” Sabi ko sabay hampas sakanya, bigla na lang sumusulpot eh! Para tuloy siyang kabute!

“Ay makahampas ka ha, baka nakakalimutan mo na volleyball player ka.” Sabi niya sabay himas don sa braso niya.

“Sorry, ikaw naman kasi eh nanggugulat.” Sabi ko sakanya habang hawak-hawak pa rin yung dibdib ko sa gulat. Aatakihin ako sa puso neto eh. Tss.

“Ba’t ba kasi hinahanap mo si Gretta?” O_O Hala, ba’t niya alam?

“Hi-hindi ah!” Pag-aalangan na sagot ko sakanya.

“Ses, denial queen!” Sabi niya sa akin, isip ka ng palusot!

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon