Chapter 2

3.8K 79 3
                                    

After ng klase namin, sabay-sabay na kaming pumunta sa common roon para mag-lunch. Grabe naglalakad kami sa hallway, tapos yung tinginan at bulungan ng mga tao ang intimidating talaga. Tapos ako nasali pa ako sa topic ng mga chismosa. Kasi naman sa kasamaang palad, kasabay ko si Gretchen sa paglalakad.

“Oy sino siya?” Bulong ni chismosa 1.

“Ewan ko? Baka bagong girlfriend ni Gretchen.” Chismosa 2, ay pinagkamalan pa akong girlfriend nitong si singkit. NO WAY!

“She’s actually cute, OMG! Bagay sila!” NO WAY! Pero agree ako na cute talaga ako. ^_^

“Kahit crush na crush ko yang si babe Gretchen, bagay sila nong’ girl. Ang cute nila.” Chismosa 1. Di kami bagay! Maganda ako, pangit siya! WAHAHAHA!

“Ay agree ako jan girls!” Chismosa 3. Hay grabe, mga tao talaga para lang may magawa.

Dumiretso lang kami sa common room, grabe ang gulo nitong si Den at Aly. Bangayan ng bangyan, kesyo sinong mas magnda, mas habulin, mas matalino, mas cute yung mga ganun. Hahaha, nakakatuwa nga eh ang kulit nila.

Pagdating namin sa loob, pinagtitinginan pa rin kami or ako. Nakaka-inis, ayaw ko talaga yung na sa akin yung attention and I hate it!

“O Fille, upo ka na.” Sabi ni A, ako na lang kasi ang nakatayo. Paano ban naman eh yung natitirang upuan ay na sa tabi pa talaga ni Gretchen. Kainis!

“Um, okay.” Sabi ko na lang tapos umupo na sa tabi niya. Ang seryoso talaga neto, yung mata niya nakadikit na naman sa libro niya. May sariling mundo talaga tong babaeng to.

“Hoy, san na ba yung sila Ella?” Sabi ni Jem, oh sino namang Ella?

“Tawagan mo nga Marge.” Sabi ni Alyssa sabay subo ng fries.

“Tinawagan ko na, parating na daw sila. Si ate Ella daw kasi ang bagal-bagal, alam niyo naman yung babaeng yon.” Sabi ni Marge.

“Speaking of the devils.” Sabi ni Den, napalingon naman ako don sa tinitingnan nila sa kabilang side ng common room.

“Hoy maka-ano ka jan Margarita ah.” Sabi nong babaeng palapit sa amin kasama ang dalawa pang babae, maliit din gaya ni Jem hahahaha. Tapos kumuha sila ng extra chairs tsaka umupo sa harap namin.

“Wag kang ano jan ate Jorella.” Sabi naman ni Marge, ah so I’m guessing siya yung Ella. Mukhang sabog na sabog to sa kulet tong bulilit na to ah. Hahahaha!

“Ay guys, this is Fille nga pala. Fille, si Ella, Bea and Mae.” Pakilala ni A sa kanila tapos nagkipag-kamayan kami sa isa’t isa.

“Ate Fille may initiation nga pala tong grupo namin, di naman mahirap.” Sabi ni Ella, napakunot naman nook o. Hindi ko kasi alam kong totoo ba o pinagtri-tripan lang niya ako, pero ang seryoso kasi ng mukha niya.

“Oo nga ate Fille, dapat dumaan sa butas ng karayom.” Sabi pa ni Marge sabay hawak sa kamao niya. Kinabahan naman ako bigla.

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon