AN: THE CHAMPIONS ARE BACK! Grabe ang sarap ng panalo, pero hats of to La Salle din kasi ang ganda ng nilaro nila specially si Eli.
Tapos umiyak na talaga ako nong nagsalita na si ate Den. Hay nako, mamiss ko sila ni ate Ella at ate Aeriel.
Pero let's just enjoy the good vibes. :D
_______________________________________________________________________________
Tama siya, I’m a coward.
Sa sobrang takot kong masaktan, siya ang nasaktan ko. And I never thought that hurting her will also hurt me this much. Sobrang sakit, sa sobrang sakit halos dumilim ang paningin ko.
All I saw is her face, her eyes with tears. Her eyes full of hatred towards me, sobrang sakit nong makita ko kung gaano niya ako tiningnan kanina para bang pinapatay ako.
Katulad ng ibang mga teenager noon, naniniwala din ako sa mga fairytales, love at first sight at destiny. Pero minsan may mga bagay talaga na magpapabago sa’yo.
I was a 3rd year high school student when my sister, Grace, died. Nagmahal siya at gaya ng iba, nasaktan siya. Nabigo si ate Grace sa pag-ibig, iniwan siya ng kasintahan niya at pinagpalit siya nito sa best friend niya.
2 months na hindi namin makausap ng maayos si ate Grace, lumalabas lang ito ng kwarto kapag kakain na. Hindi na rin ito pumapasok sa university niya, pati mga kaibigan niya hindi na niya kinakausap. Sobra siyang nangangayat.
Sobra din kaming nasasaktan noon, lalo na ako. Sa lahat naming magkapatid, ako at si ate Grace ang sobrang close noon. Baby niya ako eh.
Pero isang araw, kakauwi ko ng school. Naabutan ko sila mommy na nagkakagulo sa kwarto ni ate Grace, at pagpasok ko don. Naabutan ko si mommy na hawak-hawak ang wala ng buhay na katawan ng pinakamamahal kong ate.
Nag-pakamatay ito sa sobrang sakit, sa sobrang sakit na naidulot ng pag-ibig sakanya. Parang gumuho ang mundo namin, pero ako? Nawasak ang mundo ko.
Ang tanong ko noon, ‘Bakit si ate pa? Nag-mahal lang naman siya eh? Bakit kailangang ganito?’.
Simula non’ hindi na ako naniniwala sa mga fairytales, sa love. Natakot ako na baka tulad ni ate Grace mabibigo lang din ako sa pag-ibig at masasaktan lang ako. Ayokong pagdaanan anga mga nangyari noon kay ate.
Lahat ng mga suitors ko, dinededma ko. At dahil din don ay natutou akong paglaruan ang mga tao, naging player ako. Halos araw-araw paiba-iba ako ng babae,alam kong marami akong napaiyak. Ang sabi ko kasi sa sarili ko, uunahan ko na lang sila bago pa nila ako masaktan.
But boy, destiny and love is such a funny thing.
4th year high school na ako non, lagi akong dinadalaw ng isang babae sa panaginip ko. Yung mga mata niyang nangungusap, it was like she’s looking through my soul. Her lips, curving into the most beautiful smile I have ever seen. Her cute little nose.
Nong una hindi ko ito pinansin at binalewala ko lang, ang akala ko kasi ay lilipas lang ito. Pero mali ako, kasi halos gabi-gabi niya akong dinadalaw sa panaginip ko at gabi-gabi ring onti-onting bumabalik ang paniniwala ko sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)
FanfictionWhen it hits you, it will hit you hard. So keep calm and don't be afraid to show your love to that person.