Chapter 20: The Watch

2.5K 58 5
                                    

AN: At dahil nanalo ang Ateneo! Update! Hahahaha, grabe yun ah, 28 points si ate Valdez! Grabe lang, tapos si ate Ella naman umarangkada. 

Fille’s POV

“Guys… ssshhh wag kayong maingay.”

“Dali picturan niyo na, dahan-dahan baka magising.”

“OMG! Ang cute nila!”

“Hahaha, nagmoment pa oh.” Teka si Den ba yun? Nagising ako sa mga ingay sa paligid ko. Ang sakit ng ulo ko! Pero ang sarap din ng tulog ko, haaay ano kaya tong nakayakap sa akin?

Onti-onti kong dinilat ang mga mata ko. O.O

Si Sungkit nakayakap sa akin, tapos nandito pa kami sa terrace? Ay oo, dito pala ako nakatulog kagabe dahil sobra akong nala--…. WAAAAAHHH!!!! Yung kiss!! >.< Nakakahiya! >.<

“Oh ate Fille may instant teddy bear ka na oh.” Napalingon naman ako kela Jirah. -_- Aba pinicturan na naman kami. Kaya kumakalat yang mga FillChen-Fillchen sa internet eh, biruin niyo na nominate pa kami sa best athlete loveteams para sa athletes  night. -___-

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Sungkit na nakayakap sa akin, pero mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya sa akin. Anong tingin niya sa akin? Unan? Tsss… ‘Kunware ka pa, eh gustung-gusto mo naman’ tumahimik ka nga.

“Umalis nga kayo jan!” Pagtataboy ko sakanila at nag-taas sila ng kamay na parang sumerrender pero dahil sa ingay ko nagising naman si Sungit.

“Ano bay an?! Kitang may natutu…..” Napatigil ito sa pagsasalita ng makita ang position naming. Napatitig naman ako sa mga mata niyang naniningkit.

“Pwede bitawan mo na ako.” Sabi ko sakanya atsaka niya narealize na nakayakap pala siya sa akin at binitawan ako at sakasamaang palad yung sahig naman ang yumakap sa akin. -__-

“Salamat ah!” Sarkastiko na sagot ko sakanya at tumayo na para mag-bihis dahil may lakad ako ngayon since walang klase.

Nakakainis talaga siya! Kung maka-tulak, eh siya nga tong hapit na hapit sa akin eh!

“Lagot ka daddy, ginalit mo na naman. Hahahaha.” Rinig ko pang sabi ni Jirah, sarap talaga pektusan ng batang yun. >.<

Pumunta na ako sa kwarto para makapag-bihis at para makaalis agad dahil naiinis lang ako dito.

Naligo na ako at nag-concert. :P

‘Dahil simple lang pangarap ko

Mahalin ang katulad mo

Sana ay mapansin mo…..’

 

“ANG INGAY MO! UMUULAN NA SA LABAS!” Rinig ko sa labas ng banyo, aba-aba!

Unbelievably Impossible (Fillechen ft. ALE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon