CHAPTER 1

13.3K 166 2
                                    

Chapter 1:Shin's life

MARSHIN ESCALANTE's POV

TIRIK na tirik na ang araw nang makalabas ako mula sa loob ng aming munting tahanan.

Pasadong alas dos na ng hapon. Hindi ako kaagad nakapunta sa palengke upang tulungan si Lola Inding sa pagbebenta ng mga sariwang gulay at prutas.

Isang hanap-buhay namin ang pagbebenta ng mga prutas at gulay sa palengke, na kami rin naman ang nagtatanim no'n.

Si Lola Inding, na lang ang nag-aalaga sa akin sa loob ng dalawampu't taong mabubuhay ako. Ang tumayong nanay at tatay ko.

20 years old na nga ako pero hindi ako nakapag-aral ng college. Pagka-graduate ko sa high school ay kaagad din akong huminto sa pag-aaral, o sa madaling salita ay hindi na ako naipagpatuloy pa ang pag-aaral ko.

Lalo pa na sa bukid lang ang tirahan namin at ayaw ko namang iwan ang nag-iisa kong lola.

Kaya kahit gustong-gusto kong mag-aral ay hindi ko na nagawa pa. Mas gugustuhin ko pang makasama na lamang si Lola Inding. May katandaan na kasi siya pero ginagawa pa rin naman ang lahat upang may makain kami ni lola.

Nakasuot lang ako ng kulay krema na T-shirt at maong na pantalon. May kalumaan na pero malinis naman ito. Mahirap nga lang ang buhay namin pero kontento naman na ako. Kontento na ako sa kung ano man ang mayroon ako.

Naglakad na ako upang puntahan na sa palengke ang lola ko. Mahal na mahal ko ang aking lola dahil siya na lamang ang natitira kong kamag-anak dito sa mundo.

Ang mga magulang ko? Walang kinuwento sa akin si Lola Inding, kundi ang kamatayan lang naman nila.

Nalungkot ako dahil hindi ko man lang sila nakilala pero alam ko naman na mahal na mahal pa rin nila ako.

Napatingala ako sa kalangitan. Ganito ang takbo ng buhay ng isang tao. May mga masuwerte na nakakasama pa nang mas matagal ang mga magulang nila at may karamihan naman ay hindi na. Kasama na ako.

Pero alam niyo ang mas nakakatawa? Ang ibang kabataan o kahit matured nang mag-isip ay hindi naman nila inaalagaan nang maayos ang sarili nilang mga magulang.

Magulang natin 'yon, eh. Dapat mahalin at alagaan natin sila. Ang suwerte nga nila na nandiyan pa ang nanay at tatay nila. May gumagabay sa kanila pero ako? Wala.

"Aba, Maring. Tirik na tirik ang araw pero naglalakad ka lang diyan sa gilid ng kalsada?"

Kung hindi lang ako sanay sa biglaang pagsingit ng isang unggoy na ito ay marahil kanina pa ako inatake sa puso.

Pero sanay na ako. Sanay na sanay na ako sa presensiya ng isang unggoy na humarang sa dinaraanan ko.

At hindi ko naman namalayan na nakalabas na pala ako mula sa kagubatan. At nasa sementadong daanan na ako.

Masyadong malalim ang pagkakaisip ko sa bagay-bagay. Ano nga ba ang terms na 'yon? Monologue.

"Sa palengke ba ang punta mo, Maring?" malawak na ngiting tanong niya.

Sino siya? Siya ang dakilang kaibigan ko na matagal na ring nanliligaw sa akin bagamat paulit-ulit na basted.

Si Gabril Santa Maria, kababata ko at Mareng talaga ang tawag niya sa akin. Hindi naman sa binasted ko siya ay dahil sa looks niya.

Guwapo naman talaga si Gabril. Matangkad at malaki ang katawan, moreno ang kutis niya pero sadyang hindi ko lang talaga siya type.

Saka isa pa ay hindi naman ako handang pumasok sa isang relasyon na wala pa akong kasiguraduhan sa buhay pag-ibig.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon