Chapter 4:First meeting
MARSHIN ESCALANTE's POV
12PM na nang umaga at by 8 sana kami pupunta sa side-farm nina Gabril para makapila as early as possible.
Pero hindi kami kaagad nakalabas ng bahay. Kasi inatake na naman si lola nang paninikip ng dibdib niya.
Kaya pinagpahinga ko na muna siya. Apat na oras din 'yon saka kami bumaba mula sa bundok at tinungo ang side-farm.
'Yong bahay namin ni Lola Inding ay sa bukid. Hindi naman kataasan ang bundok basta bababa ka lang .
"Ayos ka na po ba, lola? Hindi na po ba nananakit ang puso mo?" nag-aalalang tanong ko kay lola at hinaplos ko pa ang dibdib niya.
Naka-angkala ang mga braso naming dalawa, para hindi matumba ang lola ko.
"Ayos na ako, Marshin. Tayo na nga," may pagkairitang saad ni lola.
Paano kasi, eh, kanina pa ako tanong nang tanong sa kanya kung kaya't hindi rin namin namalayan na nakarating na pala kami.
Nandito na ang halos kababayan namin. May iba ay nakapila na, pero nakaupo naman sila. Ang iba naman ay sinusuri na ng mga doctor.
May mga tent din. Hindi na maaarawan ang mga tao dahil safe sila sa tent.
"Doon tayo, lola," ani ko na ginamit ko pa ang labi ko upang maturo ang tinutukoy ko.
Nakita ko kasi na babae ang doctor doon. Gusto ko na babae ang magsusuri sa akin.
"Gusto ko rito, apo," parang batang saad ni lola tapos kinunutan ko siya ng noo.
Tiningnan ko ang doctor na nakapila sa linyang gusto ni lola. Lalaki!
"Lola, doon tayo," giit ko pero nahinto rin ako nang may tumawag sa pangalan ni lola.
"Indina V. Escalante."
"Aba, lola tinawag ka na nga," mahinang saad ko kay lola at ngumiti lang siya.
Nagtaas siya ng kamay at may nurse ang umalalay sa lola ko kaya umatras na rin naman ako.
Balak ko sanang pumila sa iba nang mahagip ko nang tingin si Hannah.
As usual, ang outfit niya ay ganoon pa rin.
Naka-short siya, 'yong uso 'ata ngayon. 'Yong parang pinunit? Red Off-shoulder crop top naman ang pantaas niya. Dahil malaki ang dibdib niya ay visible ang cleavages niya. Labas na nga ang pusod niya, eh.
Nakalugay ang red hair niya, oh, red? Kinulayan 'ata. Tapos ang makapal na makapal na make-up niya.
Nang makalapit sa akin ay tinatarayan na naman ako. Naka-cross arms pa tapos tiningnan na naman ako mula ulo hanggang paa.
Insecure na naman sa outfit ko ang Hannah na punung-puno ng insecurity sa buhay.
Nasa likuran niya ang bodyguards niya.I took a glanced at myself. Okay, simpleng kasuotan lang naman, ah? Nakasuot ako ng puting pants at hindi ito kupas. Kabibili ko lang no'ng nakaraang buwan tapos naka-red shirt din ako.
Naka-pony tail ang mahaba kong buhok. Okay, na-gets ko na. Same color ang suot-suot naming outfit ngayon.
"Nanggagaya ka ba, Mareng?" maldita niyang tanong sa akin.
Maka-Mareng 'to, close ba kami?
"Hindi ah," sabi ko at umiling.
"Bakit naka-red and white ka?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin at humakbang papalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...