Chapter 8:Cervin's proxy wife
NGAYON lulan na ako ng isang mamahaling kotse patungo sa Manila. Kung saan doon mismo magsisimula ang bagong yugto ng buhay ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako at sumandal ako sa likod ng kinauupuan ko saka ako pumikit.
Hindi ko talaga maiwasan ang malungkot. Maiiwan ko ang Sta. Maria Province, kung saan ang probinsyang nagbigay sa akin ng alaala.
Ang probinsyang naka-mulatan ko at pinanggalingan ko. Pero pinapangako ko, pagkatapos ng lahat ng pagkukunwaring ito ay babalik ako. Muli akong babalik sa probinsyang ito.
Kaya sa ngayon, paalam muna Sta. Maria Province. Saglit na saglit lang ako aalis.
Dahil siguro sa haba-haba nang biyahe namin at ilang oras din ang nakalipas bago namin natunton ang Manila.
Nakatulog din naman ako dahil sa. pagod at isa pa, hindi ako sanay sa mahabang biyahe.
Binigyan ako ng magandang babae kanina ng dalawang egg sandwich at apple juice. Nanghingi pa ako ng extrang egg sandwich dahil gutom na gutom talaga ako.
Isa pa, these past few days ay hindi talaga ako nakakain nang maayos. Kaya siguro sa biyahe ay ngayon ko lang naramdaman ang labis na kagutuman.
Sige, Marshin, magkulong ka pa at mag-emo. Hayan ang napapala mo, nagugutom at humingi pa ng extrang food. Pangangaral ko sa loob-loob ko.
Huminto ang kotse sa malaking gate at kahit na laking probinsyana ako ay may alam naman ako tungkol dito.
Nakatira sa isang village ang doktor na 'yon at base sa mga securities ay strict sila sa mga taong pumapasok sa loob ng village. At marahil bawal ang outsider.
Hindi nagtagal ay pumasok ang sinasakyan namin sa isang tarangkahan at napasilip pa ako sa labas ng bintana.
Namamangha sa nakita. Ganitong-ganito talaga ang mga mansion na nababasa ko sa mga pocket book.
Sobrang malaki at sa labas pa lang ay ang ganda na. What if pa kaya kung nasa loob na ako ng mansion na ito?
"Nandito na po tayo, Ma'am Cashren," saad no'ng babae pero hindi ko siya pinansin.
Hindi naman kasi ako si Cashren. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan saka ako bumaba mula rito.
Dala-dala ko lang ang hindi kalakihang bagpack ko. Mga importanteng bagay lang ang mayroon ako rito.
Kanina hindi ako nakaramdam ng kaba pero ngayon ramdam ko na. Ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko.
Bumuntong-hininga ako saka ako sumunod sa magandang babae.
Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakapasok at hindi ko pinakita ang tunay kong expression dahil sa pagkamangha sa loob ng mansion.
Walang emosyong tiningnan ko ang kabuoan ng paligid. Okay, mahirap i-describe basta isa lang ang masasabi ko. Napaka-ganda.
Napatingin ako sa hagdan nang may marinig akong umiiyak na baby. 5th floor yata ang mansion at sobrang laki nito.
"Ssh... Don't cry na baby. Pauwi na raw ang hilaw mong mommy," sabi ng boses babae at pilit na inaalo ang bata.
"Mom-my... Where's my mommy?" narinig kong sabi ng bata bagamat umiiyak.
Marahang bumaba ang ginang habang buhat-buhat ang umiiyak na bata.
Hindi ko pa masyadong nakikita nang maayos ang hitsura ng babae.
Batang babae ang karga niya na naka-pajama pa na kulay pink. May pagkakulot ang maikli niyang buhok.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomantizmGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...