Chapter 11:Cashren's parents"OH, COME on! Open up!" sigaw niya at nagsunud-sunod ang mahihinang katok niya na ikinatawa ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko at akmang bubuksan na sana ang pintuan nang marinig ko ang boses ng lalaking iyon. Ang dahilan kong bakit ako nasasaktan ngayon.
"Come here, baby. Gusto kang makita ng Tita Marga mo," rinig kong sabi niya.
Who's Marga?
"Reaye dad?" tila excited pang tanong ng bata.
Napabuntong-hininga na lamang ako bago bumalik sa pag-upo sa sahig. Maya-maya lang ay narinig ko na ang papalayong footsteps nila.
Kinabukasan ay maaga akong naghanda para pumasok na sa University.
At nagulat pa ako nang may nakita akong isang tangkay ng rosas at may maliit na card pa ito.
Kunot-noong binasa ko ang nakasulat.
I'm sorry for being rude.
-Vesalius
Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis kaagad ang pagtibok no'n. At parang kisap mata lang ay nawala na kaagad ang galit ko sa kanya!
Tangina naman! Napaka-rupok ko naman talaga!
KATULAD ng inaasahan ko ay wala na ang mag-ama. Nakaka-lungkot talaga ang ganito.
Naramdaman ko ang karangyaan sa mansion na ito pero malungkot pa rin ako.
Kahit wala akong ganang mag-agahan ay kumain na lang din ako. Ako naman ang kawawa kung walang laman ang sikmura ko.
Ready na sana akong pumasok sa University ngayon nang biglang may sumundo sa akin.
Sinugod daw sa hospital ang daddy ni Cashren at kailangan ko raw pumunta roon.
Kinabahan naman ako. Pero hindi ko matukoy kung saan ako mas kinabahan.
Ang ma-meet ko ang parents ni Cashren o iyong nalaman kong nasa hospital ang daddy niya?
Basta ang alam ko ay hindi ako mapakali sa back seat at wala pa ring tigil sa pagkabog ang dibdib ko.
Narating namin ang hospital at mabilis na inakay ako ng lalaki. Patakbo pang pumasok kami at naka-uniform pa ako.
"Cashren!" naiiyak na sigaw ng isang magandang ginang at sinalubong na ako kaagad nang mahigpit na yakap.
I froze because I felt weird. Wala akong nagawa kundi ang yumakap lang din sa kanya pabalik. Kahit naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Parang feeling ko safe ako sa yakap ng ginang. Parang may something na mahirap i-explain. Basta comfortable ako sa presence niya not until napatingin ako sa pintuan ng OR.
Hayon na naman ang kaba ko, ang pamilyar na pakiramdam. Naramdaman ko ito noon nang nag-aagaw buhay ang Lola Inding ko.
"Darling...'yong daddy mo..." naiiyak pa ring saad ng ginang.
Inaya ko siyang umupo at hinagod ko ang likuran niya dahil wala siyang tigil sa pag-iyak niya.
"Tahan na po, m-mommy. Magiging maayos din po ang lahat," sambit ko at muntik pang pumiyok ang boses ko.
Naiiyak din kasi ako!
Napatayo naman siya nang biglang bumukas ang pintuan ng OR at lumabas doon ang doctor.
Abut-abot ang kaba ko at napatayo na lang din ako.
"Sino rito ang kamag-anak ng pasyente?" tanong kaagad ng doctor.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...