SPECIAL CHAPTER 1

8.8K 96 0
                                    

Special chapter 1:Lola Inding

LOLA INDING's POV

NAPATINGALA ako sa kalangitan, natatakpan na ng makapal at itim na ulap ang asul na langit. Lumubog na rin ang sikat ng araw, senyales na pagabi na.

Malungkot na napangiti ako at napayuko. Inayos ko ang kumot na binalot ko sa batang babaeng kanina lang sinilang ng kanyang ina.

"Patawarin mo ako," mahinang bulong ko sa bata na ngayon ay mahimbing na ang tulog.

Isa sa ipinagpapasalamat ko ay hindi siya iyakin at madali lang siyang patulugin. Alam ko rin na busog na ang bata dahil inalagaan siya kanina ng kanyang ama bago ipinagkatiwala sa akin.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa terminal nang makita ko na parating na ang bus na sasakyan patungo sa Santa Thomas.

Inayos ko na rin ang balabal ko sa leeg at luminga-linga sa paligid. Huminto sa tapat namin ang bus at nakipagsiksikan na ako sa karamihan. Pero sinisigurado ko naman na hindi masasaktan at maiipit ang batang nasa bisig ko. Narinig ko lang ang mahinang pag-ungot niya pero bumalik naman siya sa pagkakatulog niya.

Pumuwesto ako sa pinakadulo at nang makaupo na ako ay kaagad na sinara ko ang pulang kurtina ng bintana. Pero bago roon nakita ko pa ang mga matatangkad at malalaki ang katawan ng mga lalaki. Na alam kong tauhan ito ni Mr. Vendido para halughugin ang buong bayan mahanap lang ako at ang kanyang anak.

Nangamba ako bigla dahil sa oras na mahuli nila ako ay alam kong sa bilangguan ang bagsak ko.

Tahimik na humiling ako sa Panginoon at umayon sa akin ang tadhana. Maya-maya lang ay umandar na ang sinasakyan namin at pasimple akong tumingin mula sa labas ng bintana ng bus.

Wala na roon ang mga lalaki ngunit nagulat ako nang makitang nakasakay na sila sa loob nito. Nahigit ko ang aking sariling hininga.

Pinagpawisan ako at dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Narinig ko ang pagtigil ng makina at isa-isa namang sinuri ng mga tauhan ni Mr. Vendido ang pasahero.

Pagkalito at kunot-noo ang reaksyon ng mga pasahero. Naririnig ko ang samu't saring katanungan nila bagamat hindi nakuha ang kasagutan. Mabibilang sa sampu ang mga lalaking naghahanap sa akin. Walang emosyon ang mga mukha nila.

Bumaba ang mga mata ko sa batang babae na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.

Tinaas ko ang kumot niya habang paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa mga lalaki. Malapit na sila sa puwesto ko.

Pinatong ko sa bandang tiyan ko ang sanggol at tinaas ko ang kumot sa kanyang ulo saka ako sumandal sa likod ng inuupuan ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at inoobserbahan ko lang ang paligid. Narinig ko ang tunog nang yapak nila palapit sa amin at nagmulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses nila.

"There's an old lady who carrying a child, it is in another bus."

"Come on, we need to go!"

"Look for them before the midnight," narinig kong sabi nila at isa-isa nang bumaba.

Napahinga ako nang maluwag at kaagad na ibinaba ko ang kumot. Nakita ko ang pagkakunot-noo ng sanggol at mulat na mulat ang mga mata niya.

"Patawad...p-patawar­in mo ako sa ginawa ko..." mahinang sabi ko at may umalpas na luha mula sa aking mata.

Hindi ko ito kagustuhan pero kailangan kong gawin. Para sa anak ko. Para sa kaligtasan ng anak ko.

Alam kong malaking kasalanan ang dukutin ka mula sa iyong mga magulang. Alam ko na sa mga oras na nasa bisig na kita ay hindi ko na sigurado ang magandang kinabukasan mo. Pero asahan mong aalagaan kita at mamahalin.

Alas singko y medya na nang makarating ako sa patutunguhan. Nakita kong bukas na ang ilaw sa aming munting tahanan.

May bahay naman kami sa Santa Maria ngunit hindi ako maaaring manuluyan doon hangga't nasa akin ang sanggol.

"A-Ang anak ko! Ang anak ko nasaan na?! S-Saan niyo dinala ang anak ko?!" 

Mula sa labas ng bahay ay rinig na rinig ko na ang boses ng aking anak. May bahid na lungkot at pighati. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ko itong gawin. 

"Marshin! A-Ang a-anak ko, Marshin!"

Pumasok ako sa loob ng bahay at nakikita ko ang anak ko na si Marlin. Nakaluhod siya sa sahig at may yakap-yakap na maliit na damit na alam kong kasuotan iyon ng aking apo.

Nahabag ako sa kapalarang ng aking anak. Wala na ang kanyang anak kaya nagkaroon ako ng lakas na loob na dukutin ang sanggol. 

Dalawang linggo na ang nakararaan buhat nang masawi ang kanyang anak na nagngangalang Marshin.

Hindi siya kumakain at iyak lang siya nang iyak. Kung ipagpapatuloy niya ang ganitong kalagayan ay baka mawalan na siya ng pag-iisip.

"Marlin," tawag ko sa aking anak at napahinto siya.

Umangat ang mukha niya at nagsalubong ang aming mga mata. Puno ng luha, kumislot ang aking puso. Bumaba ang kanyang paningin sa aking bisig at nanlaki ang kanyang mga mata.

"M-Marshin! Ang anak ko!"

°°°

NAGTAGO kami at palipat-lipat ng tirahan, bumalik sa pag-iisip ang aking anak. Naging maayos siya. Ngunit may dumating na trahedya sa aming buhay.

Siguro iyon na ang aking karma. Nasunog ang tinitirahan namin at kasamaang palad hindi nakaligtas ang aking anak. Siya ang nagbayad sa aking mga kasalanan.

Kalungkutan, kasiyahan na nauwi sa kasawian. Kasalanan ko, anak... K-kasalanan ko ang lahat.

Nagpapasalamat lang ako sa Panginoon nang hindi nadamay sa sunog ang sanggol na ngayon ay siya na si Marshin.

Limang taon din ang nakalipas at alam kong pinaghahanap pa nila ako. Ngunit tumigil din sila ng malaman nilang nasunog ang tirahan namin.

Salamat? Magpapasalamat ba ako? Hindi, dahil kinabukasan no'n ay nagtungo ako sa kanilang mansion.

Maglilimang taon na ang bata at inosente ang mga matang nakamasid lang sa paligid niya.

Tahimik lang siya pero masayahin.

"Wala na po rito ang mag-asawang Vendido, Lola. Bakit po? May kailangan po ba kayo sa kanila?" Umiling ako bilang tugon at malungkot na binalingan ko si Marshin.

"Patawad, hindi umaayon sa iyo ang tadhana, apo..."

Nang araw na iyon ay buo na ang aking desisyon. Ibabalik ko ang bata at isusuplong ko ang sarili ko sa mga pulis pero hindi nangyari.

Hanggang sa lumipas ang maraming taon. Nahuhulaan ko na rin ang mangyayaring hinaharap sa aking apo.

Masasaktan, magdurusa, mahihirapan ngunit may kasiyahan din ang maghihintay. May ligayang nakalaan para sa kanya at alam ko sa mga oras na iyon ay roon na magbabago ang kabanata ng buhay ni Marshin.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon