CHAPTER 22

6.9K 117 0
                                    

Chapter 22: Please, love me back

HINATID ako nina Xena sa mansion ni Cerbiny after nang encounter naming tatlo kanina sa school.

Ngayong araw ay ang dami kong nakilalang tao na malapit lang kay Cervin. Sina Dr. Taki at Dr. Even. Pati sina Dr. Jinsen at Hersey.

Tiyak na mas marami pa akong makikilalang kaibigan ni Cervin sa darating na mga araw.

Naabutan ko si Mommy A sa living room na nakikipag-usap kay Cerae.

"Mommy!" masayang bati ni baby Cerae pagkakita pa lamang sa akin.

Binuhat ko siya at naglakad ako palapit kay Mommy A. Ang lawak-lawak nang ngiti ng ginang. Hindi siya rito nakatira dahil may sarili rin siyang mansion. Bumibisita lang siya sa amin, madalas naman. Pero alam kong abala rin siya sa trabaho niya.

"Sana nga ay hindi na makita pa ng anak ko ang hilaw niyang asawa," sabi pa niya at ngumiti na lang ako. Si Mommy A talaga.

"Hindi po ba kayo curious kung ano na ang nangyari sa kanya? Kailangan din po siyang hanapin, kung ligtas po ba siya sa mga oras na ito," sabi ko naman nang makaupo na ako sa tabi niya.

"Hay naku, I'm not that mad naman, hija. It's just that uhm...naiinis lang ako kasi baka malay mo naman nakipagtanan 'yon sa ibang lalaki?"  Napangiwi ako roon.

"Sino ang nakipagtanan sa ibang lalaki?" Pareho kaming nagulat ni Mommy A nang marinig namin ang boses ni daddy! Ang daddy ni Cashren!

Sunga ks, Shin. Maka-daddy ka! Kapal ng face mo, 'te!

"D-Dad!" gulat na tawag ko sa kanya. As in, gulat na gulat talaga ako.

Kasama niya si mommy at 'yong face niya? Punong-puno na ng luha at halatang umiiyak na siya. N-Narinig nila? Pero...

"What happened to my daughter, Anna Lysse?" tanong ni daddy na malamig pa sa yelo ang kanyang boses.

K-Kinabahan naman ako. N-Narinig nila ang pinag-uusapan namin ni Mommy A kahit ang ikli-ikli lang ang conversation namin.

"D-Daddy..." muling tawag ko sa kanya pero marahas na binalingan niya ako nang tingin. He glared at me.

"You don't have the rights to call me that," aniya at napahawak ako sa dibdib ko.

Ang sakit, para siyang paulit-ulit na sinasaksak ng kutsilyo. B-Bakit nararamdaman ko ito? Bakit?

"Let's talk," seryosong wika ni Mommy A at tumayo pa siya.

"B-Bakit mo t-tinago ang katotohanan, Lysse? N-Nasaan ang anak ko?" naluluhang tanong ni mommy at nasasaktan akong makita siyang ganoon.

Parang sa isang idlap lang ay nawala sa akin ang tumatayo kong mga magulang ngayon. Ang sakit.

"You didn't tell us the truth! Alam namin na kahit ganoon lamang ang pinag-usapan niyo ay malalaman din namin kung sino ang tinutukoy niyo. All this time ay isang huwad lang pala ang kasa-kasama namin? Nagbayad ba kayo ng babaeng magiging impostor ng anak namin? At ang mukhang 'yan? Pinagaya mo pa sa kanya!"

Napaatras ako sa gulat, ngayon lang... N-Ngayon ko lang makitang nagagalit si daddy--ang daddy ni Cashren. N-Nakakatakot siya.

Humagulgol na ang mommy ni Cashren at pilit naman akong pinapaalis ni Mommy A na kasama si Cerae pero hindi ako nito pinahintulutan na isama ang anak ni Cervin.

Nasaktan ako, sobra. Kaya umiwas na lamang ako sa kanila at nagmamadali nang umakyat sa kuwarto ko.

'Yong mga luha ko ay walang awat na sa pagtulo. B-Bakit napaka-big deal sa akin ang malaman nilang hindi n-naman nila ako anak? B-Bakit nasasaktan ako?

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon