Chapter 55: Happy ending
CERVIN' POV
"COME on, little buddy," I called my one year old son.
Nakangiting bumaling naman siya sa akin at itinaas ang dalawang maliit niyang kamay sa ere, senyales na magpapabuhat na siya sa akin.
Kaagad ko naman siyang kinarga at magaan na hinalikan ko siya sa noo niya. He encircled his little arms on my neck and he rested his head on my shoulder. I caressed his hair.
"Happy first birthday, Cervix Marshid, my son," bati ko sa kanya at narinig ko pa ang mahinang pagbungisngis niya.
"Happy birthday to my baby brother!" masayang bati naman ng panganay kong anak na si Cerae at yumakap sa baywang ko.
Gamit ang malayang kaliwang kamay ko ay hinaplos ko ang buhok niya at yumuko ako para halikan siya sa noo niya. Nilapit ko rin sa kanya ang kapatid niya para siya naman ang humalik sa pisngi nito.
"Thank you raw sabi ni Cervix, Ate Cerae," I told her and she just smiled.
"Dumating na ba ang mga Tita at Tito mo, anak?" I asked her at naglakad na kami patungo sa pintuan para makalabas na mula sa kuwarto namin.
"Yup, Dad. Dami pong gifts si baby Cervix!" masayang kuwento niya na ikinangiti ko naman.
"Happy birthday, baby Cervix!" salubong agad sa amin ng mga kaibigan ko.
Kompleto kaming lahat, mula sa kaibigan ni Shin. Kaibigan ni Xena, kaibigan pa ng mga kaibigan niya.
Kami-kami lang ang nagdiwang ng first birthday ng anak ko. Family and friends lang ang invited, except sa kasama ni Crimson.
She's tall, no expression written on her beautiful face. But why the heck she's wearing a suit na para lang sa mga lalaki?
"Sino ang babaeng kasama mo?" tanong ko nang makalapit ako kay Crimson at mabilis naman inagaw sa akin ni Drimson ang anak ko.
"Sinong babae?" tila bored na tanong naman niya sa akin at itinuro ko lang gamit ang nguso ko ang kasama niya.
Nagsalubong ang kilay niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako, "He. He's a boy, idiot," sagot niya na ikinabigla ko.
"You've got to kidding me?! L-Lalaki siya? Bakit parang..."
"He's Engineer Mikael S. Brilliantes. Tss," he said that at mukhang iritado pa. Bakit parang nainis siya na naging lalaki ang engineer na iyon? Hmm...
"It's okay to be gay, dude. Umiibig ka lang," ani ko saka ko siya iniwan at narinig ko pa ang pagmumura niya.
"Hi, I am the father of the celebrant. Dr. Cervin Raeson D. Vesalius, and you?" pagpapakilala ko nang makalapit ako sa puwesto ng engineer.
Lumingon naman siya sa akin pero hindi ngumiti. He's face is soft, aakalain mo talaga na babae siya. Mas magand---pogi siya sa malapitan.
Grey eyes and curly eyelashes. 'Yong kilay niya ay tila kilay talaga ng mga babae. Matangos ang ilong niya. Manipis ang labi niya na natural na mapula.
"Engineer Mikael S. Brilliantes, nice to meet you, Dr. Cervin," he said at inabot niya ang kamay ko para makipagkamay. And even his hand, parang kamay talaga ng mga babae. Soft and small. Talaga bang lalaki ito?
"That's enough," malamig na saad ni Crimson at pinaghiwalay pa ang mga kamay namin. Napangisi ako dahil sa reactions niya.
"Mikael, are you single or married already?" I asked him. Bahagya pang kumunot ang noo niya pero sumagot naman siya.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...