Chapter 31:Moving OnMATAPOS ang kaguluhan kanina na muntik na kaming i-report sa pulis and thanks God, dumating si Xena, secretly at kinausap ang president ng school namin. But after that, naglaho rin na parang bula si Xena. Wala sa mood na maki-chika ang tumatayo kong pinsan.
TWO DAYS pa ang nakalipas at nalaman ko na may ginawang team sina Cervin kasama ang mga kaibigan nilang doctor at naging busy na rin siya pero iba ngayon.
Umuwi siya na nagpaka-lunod sa alak. Lumangoy kaya siya? Tsk.
"Cervin?" tawag ko sa kanya at nang makita ako ay pasuray-surap pa siyang naglakad palapit sa akin.
Gusto ko sanang tumakbo patungo sa kuwarto ko. Ayokong nakikita siyang ganito, eh. Ayokong nakikita siyang lasing. Baka ma-rape pa niya ako. Joke lang po.
Nagulat ako nang nigla niya akong inakbayan. Ramdam ko ang bigat ng braso niya sa balikat ko at hindi ko rin mapigilan na masamyo ang mabango niyang perfume.
"Hindi ba't you are one of the team Art? Bakit ka nagpapaka-lasing?" pangangaral ko sa kanya at narinig ko pa ang pagtawa niya, a manly chuckled na dahilan nang malakas na pagkabog sa dibdib ko.
"Ihatid mo ako sa kuwarto ko, Mareng," aniya sa mababang tono.
"Bakit ka ba nagpapakalasing, ha?" parang nanay na tanong ko sa kanya. Nasa boses ko ang pagkairita.
"I...we...n-nalaman na namin ang whereabouts ni Cashren," sagot niya na may pag-aalinlangan.
I do not think about her whereabouts na malalaman na after two years. Nabahala ako, dahil saan na ako pupulutin nito? Pupulutin? Feeling ko kasi ibabasura na ako ni Cervin. Hindi pa man ay nakakaramdam na ako ng punyal na bumaon sa aking dibdib.
Hindi na ako nakasagot pa dahil naumid na ang dila ko. Cervin, ni hindi mo namamalayan na nasasaktan na ako. Ni hindi mo namamalayan na sa ganoong salita lang ay nagawa mo na akong saktan.
Kailan kaya matatapos ito? Matatapos ang lahat ng paghihirap ko? May chance pa kaya na magiging masaya ako? Kahit saglit lang? Kahit na nakaw na sandali lang? May chance pa kaya na ako lang ang pipiliin ni Cervin?
May chance bang maramdaman ko na sa akin, sa akin naman niya pinaparamdam ang pagmamahal niya na ibinigay niya lang sa asawa niya?
Oy, ano ako? Ambisyosa? Sampig lang naman ako sa buhay nila at wala akong karapatang humiling. Kung tutuusin ay para akong kabit ni Cervin. Naging kabit.
"Baby?"
Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang maramdaman ko ang mainit na kamay niya na nagpupunas na ng taksil kong mga luha.
Iiyak na naman ba ako? Magpapakahina na naman ba ako? Hahayaan ko na naman ba na masaktan ang sarili ko? Nasaan na ang sinabi kong iiwas na ako? Nakalimutan ko na ba? Binawi?
"Umiiyak ka na naman," aniya.
Ito ba ang kanta nino ba? Na umiiyak? Umiiyak ang puso ko? Saka Cervin, luha lang 'yan hindi ako umiiyak.
Pero ang mga luha ko ay pabida. Bumuhos talaga ang mga luha ko na wala namang hikbi ang lumalabas mula sa bibig ko.
Parang si Aurora lang? Si Dra. Ape sa My Wife's Tears, iyon 'yong lumuluha na umiiyak? Matatawag nga bang umiyak, eh wala namang tunog?
Ganito pala ang feelings ni Dra. Ape habang umiiyak siya--I mean lumuluha siya sa tuwing nasasaktan na siya.
At ramdam ko 'yon, nararanasan ko 'yon. Ang sakit-sakit sa dibdib. Para akong kakapusin nang hininga. CPR lang Cervin, okay na ako.
Pero need ko rin talaga ng doctor, eh. Sobrang sakit ng puso ko. Parang paulit-ulit na sinaksak ng kutsilyo, na pakiramdam ko ay hindi lang isang kutsilyo. Kundi libo-libong kutsilyo.
Mas masakit na mas nakakapanghina.
"I didn't mean to hurt you, baby..."
Bakit naman niya ako tinatawag na baby? Hindi naman ako sanggol, ah?
"I'm--" hindi niya natapos ang sasabihin niya sana, na tila may naalala siya.
Muli ko namang nararamdaman ang makulong sa mainit niyang mga bisig. Ang feeling ko na safe ako sa yakap niya physically pero nanganganib naman ako emotionally.
Si Lervin, batid kong may happy ending na sila ni Art. Ako kaya Cervin? Kailan mo ibibigay sa akin ang happy ending ko? Hopeless romantic pa naman ako.
Puro fictional characters lang ang minahal ko at pati ikaw.
Pinikit ko ang mga mata ko at sinamyo ang masarap na sensasyon na yakap niya sa akin. Para akong nasa alapaap. Sana huwag na matapos. Sana ganito na lang kami.
"Ang huling na-trace namin ay sa Airport. 'Yong araw na muntik ka nang ilayo sa akin ni Xena. Aaminin kong, takot ako. Takot akong mawala ka, Mareng. God knows," aniya. Lies, lies, lies.
Magpapa-apekto ba ako? Kikiligin ba ako sa malamang takot siyang mawala ako? O nililinlang lang niya ako?
Move on, anim na letra at dalawang salita. Letra lang 'yan pero kay hirap gawin. Words lang 'yan na hindi pa ma-apply sa sarili ng karamihan.
Move on, ang pinaka-best na gawin natin na mga brokenhearted ngunit kay hirap gawin.
Bakit mahirap? Kasi na-stuck na tayo sa mga alaala. Sa alaalang naging masaya tayo, sa alaalang naging inspirasyon natin. Sa alaalang naramdaman natin na masaya pala ang mabuhay sa mundo. Na kakambal nito ang lungkot at pighati.
Bakit kay hirap mag-move on? Simple lang kasi, ayaw mong kalimutan 'yong tao, ayaw mong mawala siya at siya 'yong tinitibok ng puso mo. Pero alam mo naman sa sarili mo na kailangan mong gawin 'yon kahit mahirap. Pero at least, unti-unti lang.
Ang pagmo-move on ay hindi ibig sabihin ay kakalimutan mo na ang taong nagparamdam sa 'yo ng pag-ibig, na hindi ibig sabihin nito na kakalimutan mo ang mga alaala niyo na kay tagal na binuo niyo sa maraming panahon.
Hindi po, ang salitang move on ay tatanggapin mo, tatanggapin mo ang kasawian sa puso mo. Tatanggapin mo ang kapalaran mo, tatanggapin mo na hindi siya ang taong nakalaan para sa 'yo.
Tatanggapin mo na minsan sa buhay natin ay may mga taong mamahalin natin ng lubos. Na minsan sa mundo ay wala talagang perpektong relasyon.
Magiging magandang aral ito sa buhay natin. Parang nag-OJT ka lang at bago ka ga-graduate ng kung ano'ng kurso mo ay kailangan mong dumaan sa pag-o-OJT para pagka-graduate mo ay may experience ka na.
Katulad ng pag-ibig, sa second chance mo na iibig sa iba. At least may natutunan ka, at least may experience ka na at kung muli kang masasaktan sa pangalawang pagkakataon ay hindi ka na maging mas malugmok sa kasawian ng heart-heart mo. Alam mo na kung paano bumangon at mag-move on.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...