CHAPTER 47

10.4K 131 1
                                    

Chapter 47:Meeting the old friend

"A-ANG anak ko... H-hanapin niyo ang anak ko, pakiusap..."

Nataranta kami lahat nang mawalan ng malay si Mommy na kaagad na dinaluhan ni Dad.

"Cyan," tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko.

"Alright," simpleng sagot niya sa akin bago siya nagpaalam na aalis na.

Hindi siguro nakayanan ng mother-in-law ko ang nalaman niya ngayong araw. Nakakagulat naman. Pero ako, natatakot. Natatakot na at lalo pa na wala kaming ideya kung saan na nagpunta si Shin.

Fvck! Mas nakakatakot pa yata ang mawala siya kaysa sa asawa ko! 

"Saan ka naman pupunta, Raeson?" tanong sa akin ni Mommy nang makita akong nagmamadaling lumabas ng mansion namin.

"I'll find her, Mom. I have to go," nagmamadaling sabi ko saka ako patakbong lumapit sa kotse ko.

Mas grabe naman pala talaga ang takot na nararamdaman ko ngayon. Damn! Para akong aatakehin sa puso.

Wait for me, Shin. Please.

***

MARSHIN's POV

DAHAN-DAHAN akong naglakad palabas ng condo ni Lervin. One week na akong naririto at nakakaramdam na ako ng boredom pero mahigpit sa akin si Lervin.

Kailangan ko raw magpahina dahil hindi man lang daw umayos ang pakiramdam ko. Na which is totoo naman.

Pero ngayon, gusto kong lumabas. May gusto akong kainin na wala naman sa ref niya, na hindi naman kayang lutuin ng kasambahay ni Lervin. Gusto ko na ako ang makakita kung ano ba ang gusto kong kainin. Kaasar hindi ko lang alam. Basta I'm craving something.

Dahan-dahan ko nang sinara ang pintuan at nagmamadali nang humakbang palayo roon nang mabangga naman ako sa kung anong matigas na bagay. Urgh! Ang sakit no'n.

"Sorry, Miss," hinging paumanhin ko--oh tao pala ang nabangga ko. Wait...pamilyar sa akin ang boses niya.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at ganoon na lamang ang saya ko nang makilala ko siya!

"Gabril!" masayang tawag ko sa pangalan niya at dinamba ko kaagad siya nang yakap.

Ramdam ko na nagulat siya, "What the? Sino ka naman?" gulat na tanong niya sa akin at inilalayo niya ako sa kanya.

"Gabril!"

"What? P-Paano mo naman---Mareng?! Marshin?"

Bitter & Better's café, yeah right. Nasa favorite café kami ni Gabril. After nang encounter namin kanina ay inaya ko siyang lumabas. Guess what, guys? Professional Engineer na ang dakila kong kaibigan! Guwapo pa rin ang kaibigan ko at napapansin ko na parang snob na siya. 

"I miss you, so much, Mareng. Apat na taon din tayong hindi nagkita. How are you?" tanong niya sa akin at halata ngang na-miss niya ako. 

Naluluha na rin siya! Siya pa rin ang Gabril na una kong naging kaibigan. Ang Gabril na minahal ako hindi lang bilang kaibigan.

"Ayos lang ako," nakangiting sagot ko at niyakap naman niya ako nang patagilid.

And somehow, nakaramdam ako ng comfort from my guy best friend. Hindi ko alam kung bakit nagiging emotional na ako ngayon. I buried my face on his chest at nagsimula nang nagsipatakan ang mga luha ko. I felt him caressing my hair.

"Oh, halatang na-miss mo rin ako, Mareng. Saka bakit pakiramdam ko ay hindi ka okay?" aniya at parang boses lang ng kaibigan kong kambal.

Wah! I miss him, so much! 

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon