Chapter 43:Tears Of Proxy Wife
TAKBO lang ako nang takbo na hindi alintana ang malakas na ulan. Padilim na padilim na ang langit at lumalamig na ang simoy ng hangin.
Kasabay ang mga luha ko na walang awat sa pagtulo. Kasabay pa ng puso ko na paulit-ulit na nadudurog. Tila nasagasaan ng malaking truck ang puso ko.
'Yong hikbi ko ay lalo lang lumalakas na sumasabay sa lakas ng ulan. G-Ganito pala...ganito pala talaga ang pakiramdam ng nag-iisa.
Nararamdaman ko na naman na walang nagmamahal sa akin. Ganitong-ganito ako noong nawala si lola Inding ko. Nag-iisa at nagdurusa.
Grabe ang sakit na mas pipiliin mo na lang maging manhid upang sa ganoon ay hindi ka na makakaramdam ng kung anong kirot sa puso mo.
Nag-iisa na naman ako. Nag-iisa sa kalagitnaan ng kalsada, sa gitna ng ulan at dilim.
I don't have a friend to comfort me at this moment. Walang Lola Inding, walang Gabril, walang Drimson, Crimson at Hillarus.
Wala rito si Art, ang kaibigan ko na naiintindihan ang magulo kong buhay. Lastly, walang Cervin.
Mas pinamumukha sa akin na wala akong kaibigan at walang nagmamahal sa akin. Wala. Loner lang ako.
Napatigil ako sa pagtakbo ko nang maramdaman kong hiningal ako nang sobra at nananakit na naman ang tiyan ko. Pero walang-wala ang puso ko, walang-wala ang sakit sa puso ko na natamo ko sa pag-ibig.
Napaupo ako sa kalsada at niyakap ang tuhod ko at iyak lang ako nang iyak.
Pero ang akala ko, mag-isa na lang talaga ako. Akala ko wala ng taong darating.
Pero mayroon pa pala. Ang lalaking dating kinamuhian ko. Ang lalaking minahal ng kaibigan ko...
"Lervin..." sambit ko sa pangalan niya at naramdaman ko ang mainit at malambot na telang bumalot sa nanlalamig kong katawan.
"Ssh... Everything is gonna be alright..." mahinang bulong niya sa akin saka niya ako maingat na binuhat.
Mas napaiyak ako. Sa lahat ng taong inaasahan kong darating sa oras na mas nasasaktan ako ay siya pa ang dumating. Siya pa na dati-rati ay walang ginawang maganda sa kaibigan ko. Kundi ang saktan lang din ito.
Namimigat ang talukap ng mga mata ko at pati ang paghinga ko ay tila kinakapos na.
Bago ko pa namalayan ang lahat ay kinain na ako kaagad ng kadiliman.
***KINABUKASAN nagising ako sa hindi pamilyar na silid at masama ang pakiramdam ko.
Nilalamig ako at sobrang bigat ng katawan ko. Iyong ulo ko ay tila pinupukpok ng martilyo.
Napahikbi ako dahil sa sama ng pakiramdam ko.
"L-Lola ko... Lola Inding. K-kunin m-mo n-na lang p-po ako. H-hindi k-ko na po kaya..." humihikbing sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko.
Balot na balot ako nang makapal na kumot at kahit nakapatay ang aircon ay malamig pa rin sa loob ng silid na ito. Panlalaki ang silid at inalala ko naman ang nangyari sa akin kagabi.
Bumukas ang pintuan ng kuwarto pero hindi ko binigyang pansin kung sino ang pumasok.
Naramdaman ko lang ang paglundag sa gilid ng kama ko at inalalayan akong makaupo kaya roon na ako napamulat.
Ang nag-aalalang mukha ni Lervin ang nakita ko, "You okay? May lagnat ka, Shin. Kaya kailangan mong kumain para makainum ka na ng gamot mo," sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...