CHAPTER 34

7.5K 96 0
                                    

Chapter 34:Caught

PAGKATAPOS nang pag-uusap namin ni Margarette kanina--ay matatawag ba 'yong pag-uusap? Hindi, ano? Bangayan puwede pa.

May alam kaya si Cervin dito? Na may kinalaman ang hilaw niyang pinsan sa pagkawala ni Cashren? Masama ang kutob ko, eh.

Napasinghap ako nang may maalala ako. A-Ayos lang kaya si Cashren ngayon? Nasa maayos na kalagayan naman siya, 'no?

Bakit may kung ano sa puso ko ang nag-alala sa kanya? Ni hindi ko naman siya kaanu-ano. Ni hindi kami nagkaharap.

Pero base sa mga sinabi ng babaeng impakta na iyon ay nasa maayos na kalagayan pa naman siya. Marahil itinatago niya lang pero hindi pa rin ako magpapakampante. Dahil hangga't nasa poder o hawak ni Margarette si Cashren ay hindi pa ito safe! Baka kung ano na nga ang ginawa nila kay Cashren! Kailangan malaman ni Cervin ang lahat!

Hindi bale na ang masaktan ako sa malamang mahahanap na namin ang whereabouts ni Cashren basta makauwi siya ng ligtas. Wala akong tiwala sa impaktang iyon.

So, mali nga rin ang naisip ni Mommy A, na nakipagtanan ito dahil may dumakip. Tama may dumakip sa kanya! Goodness!

Dapat ay mailigtas siya sa tamang panahon! Hindi puwede hindi!

***

7PM NA ng gabi at by 8 ay magsisimula na ang party. Hindi na ako umuwi pa, saka wala namang mag-aalala sa akin. 'Yong suot kong uniform ngayon ay para sa mga waitress ng L. D Hotel.

Napakalaki ng hotel na ito at maganda rin halatang mayaman talaga ang may ari at balita ko pa ay binata pa at single ang CEO nila.

"Are you ready?" tanong sa amin ng manager at napa-roll eyes ako.

Sumunod na kami sa kanya, bali ten lang kaming mga intern ang napili niya. Limang lalaki at limang babae rin.

May mga intern din na na-aasigned sa kitchen. Magiging assistant ng chef.  Bongga ang party at wala na akong masabi pa dahil talagang nakakamangha. Marahil ay napakaimportante ng party na ito. Napapansin ko na galing sa mayayamang pamilya ang mga guest.

Ilang oras din akong nag-entertain sa kanila na may dala ring wine na nakalagay sa tray.

Sumalubong sa akin si manager at tinuro nito ang direksyon kung saan nandoon si Cervin. Shocks! Nandito ang chokoy!

"Be careful, Ms. Vesalius, isa silang pinakaimportanteng bisita ng hotel na ito," pagbabanta niya sa akin.

Anong akala niya sa akin? Lalampa-lampa? Ms. Masungit na matandang dalaga. Hindi po ako careless, 'no?

Pero iyon ang akala ko dahil nang makalapit ako sa puwesto nila ay siyang pagkadulas ko naman.

Hindi ito ang eksenang nababasa ko sa mga nobela na kung madudulas ang isang bida ay may sasalo sa kanya.

Sa sitwasyon ko ay may nabangga pa ako at naibuhos ko sa kanya ang dala-dala kong wine. Goodness, Shin! Nasaan na ang hindi ka careless, aber? So, ano na ang tawag mo rito? Hindi mo sinasadya?

"What the heck?!" Napangiwi ako sa pagmumura ng babaeng nabangga ko.

Alam kong maraming guest dito at dapat maingay iyon pero hindi, tahimik lang at tanging soft music lang ang maririnig mo. Particular na ito talaga ang party ng mga mayayamang tao.

"Look what have you done, Miss?! Tatanga-tanga ka kasi! Gosh! You're so clumsy!" sigaw nito sa akin at natakot naman ako bigla.

Nakatatakot naman kasi ang aura niya saka pinagtaasan pa niya ako nang boses. Magso-sorry na sana ako nang hinigit niya ang braso ko at napaigik ako sa sakit. Ang higpit kaya!

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon