Chapter 14:Avoiding
"DON'T ruined my wife's reputation. How dare you!" 'Yan ang sinalubong sa akin ni Cervin pagkauwi ko pa lamang sa mansion niya.
Paano ba naman kasi, eh. Nakita niya kami ni Art sa Bookstore. May klase pa naman kanina pero nakuha namin ni Art na gumala kahit may klase pa.
Hindi naman ito bago sa akin na pagsalitaan niya ako ng ganyan kasi madalas ko iyon ginagawa puro Cashren na lang kasi ang iniisip niya kahit nandito naman ako, ah!
Pero ewan ko ba kung bakit hinahanap pa niya ang gagang iyon. This past two years ay naging mahigpit talaga siya sa akin at may curfew na rin ako. Ewan ko kung bakit wagas siyang maghigpit sa akin.
Kesyo raw ay iniingatan niya ang reputation ng asawa niya at sinisira ko raw iyon.
"Don't ever do that, Escalante," malamig at mariin niyang sabi.
Lalampasan ko na sana siya pero hinigit niya ang braso ko. Mahigpit iyon kung kaya't naramdaman ko rin ang pagbaon ng kuko niya sa balat ko.
This is the real Cervin. Masamang ugali.
"Don't you dare turn your back from me! We are not done yet, Escalante!" sigaw niya sa akin.
Para kaming mag-asawa na may pinagtatalunan at hindi nagkaka-intindihan.
I try to avoiding his presence because God knows na mas lalo lang ako mahuhulog sa kanya.
"I don't fucking care! Don't worry, hinding-hindi ko sisirain ang reputation ng asawa mo! And please stop pestering me! Alam mo kung ano rin ang kaya kong gawin! Sino ba rito ang kawawa kung ako ang aalis?" mapang-asar kong tanong sa kanya at napabitaw na siya.
"Ikaw pa rin ang dehado, Vesalius. Keep that in your fucking mind," malamig na saad ko bago ko siya tinalikuran.
Akala niya siya lang ang marunong manermon? Huh! Ako ang reputation lang ng asawa niya ang iniingatan ko! Eh, siya?!
At hindi 'yon pananakot lang! Dahil iyon talaga ang totoo. Ako ang kailangan niya! Kaya dapat talaga ay maging mabait siya sa akin. Dahil kung hindi, talagang aalis ako sa mansion nila! Makikita niya!
"You can't do that."
Nagulat ako nang sinundan niya ako sa kuwarto ko. Nasa pintuan siya at nakatalikod naman ako.
Paano naman niya nasasabi na hindi ko magagawa iyon? Kahit na may kontrata siyang binigay sa akin ay wala rin naman akong pakialam doon, eh.
Gagawin ko ang gusto ko!
"You love me and you can't do that," aniya. Talagang may self-confidence pa siyang sabihin iyon sa akin!
Hindi ko iyon magagawa kasi mahal ko siya? Sinasabi ba niyang hindi ko siya kayang iwan?
Nilingon ko siya at matalim ang mga matang tiningnan ko siya. No expression.
"Hindi mo pa ako kilala, Vesalius," nakangising sabi ko at nagtatagis ang bagang niya.
"You can't go, not yet. I still fucking need your fucking presence here! Aalis ka lang dito sa poder ko kung mahahanap ko na ang asawa ko and remember, Escalante. You signed the fucking contract," mariin niyang sambit.
See? Ganyan siya makipag-usap sa akin. Ewan ko kung bakit naglaho kaagad ang una kong nakilalang Cervin.
At sinasabi ba niyang mahal pa rin niya hanggang ngayon ang asawa niya? Pero pinagtataksilan na naman niya.
"Cervin!" tawag sa kanya no'ng malanding babae.
Guess who?
"Oh, here you are. Kausap mo pala ang wife mo," sabi nito at umamo pa ang face niya. Para siyang tuta na nakita na niya ang kanyang amo.
It's Margarette, pinsan niya pero may kababalaghang ginagawa. Third degree cousin niya pero adapted daughter lang siya ng tito ni Cervin.
Paano ko nasabi na pinagtataksilan ni Cervin si Cashren? Madalas ko silang naabutan na naghahalikan! Pasalamat sila hindi sila naaabutan ni baby Cerae!
"Let's go, Marga."
Bago pa lumabas ang babaeng iyon ay nginisian pa niya ako. Para akong kandila na unti-unting natutunaw.
Masakit ang makitang nagkaka-ganoon si Cervin. Hindi niya ako tunay na asawa pero nagagawa niya akong saktan ng hindi niya namamalayan.
Iyong abot kamay mo na ang lalaking mahal mo pero para rin siyang bituin na mahirap makuha at kahit ilang ulit mo pang sungkitin ay hindi mo pa rin makukuha.
Bumuhos na naman ang luha ko. Ganito naman ako araw-araw, eh. Sa tuwing nag-uusap kami ni Cervin ay nag-aaway lang kami.
Hindi ko alam bakit ang dali kong mahulog sa kanya. Masama naman ang ugali niya. Nakakasuka pero pesteng puso na 'to! Tumibok pa sa maling lalaki!
"You crying again," biglang sambit ng isang maliit na boses.
Si baby Cerae, mag-fo-four years old na siya at oo, nakuha ko na rin ang loob ng batang iyan. Mommy na nga ang tawag sa akin.
Madalas din bumibisita ang mommy ni Cervin. Maganda ang trato sa akin ni Mommy A pero hindi si Cervin. Pinapakita niya lang sa akin kung gaano siya katarantadong tao sa buhay ko.
Pinagsisihan kong minahal ko ang walang pusong doctor na iyon. I hate him.
"Mommy, don't cry na," ani baby Cerae at lumapit sa akin.
Naka-salampak na pala ako sa sahig at umiiyak nang tahimik.
"Hindi mo na po ba kaya, mommy? Masakit na po ba talaga?" nag-aalalang tanong sa akin ng bata at pinunasan niya ang mga luha ko na gamit ang maliliit niyang daliri.
"Sumbong ko siya kay momma. Bad na ni daddy, I hate him na rin, mommy."
Napayakap na ako kay Cerae. Kahit hindi man naririnig ang paghikbi ko ay grabe iyong mga luha ko. Walang awat sa pagtulo.
Masakit pala mahalin si Cervin. Parang gusto ko nang sumuko, eh. Parang...
Mariin akong napapikit nang maramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit sa tiyan ko. Nitong mga nakaraang araw ay mas lalong sumasakit ang tiyan ko.
Kung dati ay sinusumpong lang ako ng sakit kapag stress ako at pagod. Ngayon halos araw-araw na and the worst, umaabot ng isa o dalawang oras bago maglaho ang sakit.
At si baby Cerae lang ang nakaka-saksi no'n sa akin. Bata pa siya at napaka-inosente kaya madali lang mapaniwala na gutom lang ako kaya nananakit ang puso ko.
"Punta po ako kay yaya, para sa foods mo, mommy!" Lumabas na si Cerae, ganoon ang ginagawa niya sa tuwing sumasakit na ang tiyan ko.
Napahiga na ako sa sahig at mahigpit na napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin o kung bakit nararamdaman ko ang sakit na ito.
Masakit na mahirap ipaliwanag. Kung noon ay kaya ko pa ang sakit pero habang tumatagal ay mas lalong sumasakit.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomantikGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...