CHAPTER 42

9.9K 118 1
                                    

Chapter 42:She's Gone

"ART...gumising ka na..." mahinang sambit ko sa kaibigan ko. 

After our conversation with Dr. Jinsen ay si Art kaagad ang pinuntahan ko. Kahit tulog pa rin siya. Si Crim ang naabutan kong nagbabantay sa kanya at ngayon ay katabi kong nakaupo.

"You okay, Shin?" nag-aalalang tanong sa akin ni Crim. Binalingan ko siya at nginitian.

"Nangangayat ka na. Hindi ka ba pinapakain nang maayos ng Vesalius na 'yon?" tanong niya sa akin na may himig na galit.

"Kumakain, ayos lang ako, Crim," sagot ko at hinaplos pa niya ang pisngi ko at patagilid na niyakap ako.

"You looks stress. Bakit hindi ka mag-leave sa trabaho mo at magbakasyon?" suggestion niya at umiling ako.

"Ayoko nga. Saka na kung magigising si Art natin," sagot ko at nginitian ko siya. Hinalikan naman niya ako sa noo at mataman akong tinitigan.

"Ramdam kong may problema ka, Shin. Pero kung ano man 'yon, sana sabihin mo sa amin. Ako ang nag-aalala para sa 'yo, Shin."

"Sino ang may problema?" biglang sulpot na tanong naman ni Drim at sumiksik sa gitna namin ni Crim.

Pareho niya kaming inakbayan ni Crim kaya nagreklamo ang isa na naiipit daw siya. Natatawa na lang ako.

Ang suwerte ko pa rin na magkaroon ng kaibigan na katulad nila. Naranasan ko tuloy ang magkaroon ng dalawang kuya sa katauhan ng kambal na ito.

"Is there any problem, Shin? May ginawa na naman ba sa 'yo ang Vesalius na iyon?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin at natatawa kong hinawakan ang noo niya.

"Wala po!" sagot ko.

"Parang may nagbago sa 'yo, Shin..."

Nawala iyong ngiti ko dahil doon pero binalik ko naman kasi baka magduda pa sila. Masyado akong apektado.

"Nevermind, anyway. I meet this Engineer, kilala ka, Shin. May kilala ka bang Engineer Gabril Santa Maria?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Drim sa akin, lalo na sa pangalan na binanggit niya.

"Si Gabril? Ang dakila kong kaibigan!" masayang sabi ko at nasasabik na akong makita ko ulit ang kaibigan ko.

Oh my God! Ilang taon ko rin siyang hindi nakita! Four years! Miss na miss ko na ang dakila kong kaibigan.

"You seems happy," komento ni Drim at napayakap ako sa kanya.

"Nasaan siya? Gusto ko siyang makita, Drim!" 

Ngumiti lang sa akin si Drim at ginulo ang buhok ko, "Right now, nasa condo siya na malapit lang sa unit ko. I just meet him at Engineer siya ng bago naming project. Lahat na lang yata ng empleyado sa kompanya ay napagtanungan niya kung may kilala ba kaming Marshin V. Escalante. Ako lang naman ang nakakilala sa 'yo na isa pa, kilala ka bilang asawa ni Vesalius," aniya at lumapad ang ngiti ko.

"Miss ko na si Gabril," ani ko.

"I'll text him, hindi ko lang sinabi na kaibigan kita because at first I don't trust him. What if masamang tao pala iyon? At hinahanap ka talaga?"

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon