CHAPTER 15

6.9K 107 3
                                    


Chapter 15:Cervin's date

HALOS MAIYAK na ako sa sakit na nararamdaman ko. Nakakaubos nang enerhiya ang sakit kong ito. At parang kakapusin din ako nang hininga.

Hinintay ko lang na mawawala na ang sakit at hindi ko alam kung nakatulog ba ako o nawalan ako nang malay.

Basta nagising na lamang ako na nakahiga na ako sa kama ko at nasa gilid ko na si baby Cerae.

Kahit napakabata pa niya ay nakaguhit na ang pag-aalala sa mukha niya. Napangiti ako at nang makita niya akong nakamulat na ang mga mata niya ay dinamba niya ako nang mahigpit na yakap.

"Mommy! Sorry po, mommy. Tagal ko ba nag-dala foods mo? Kaya ka na nakatulog na?" sunud-sunod na tanong niya sa akin habang nakanguso pa. 

Nanunubig na ang gilid ng mga mata niya kaya humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Okay lang ako, baby. Don't cry na," wika ko at hinagkan ko siya sa noo niya.

Hindi mahirap mahalin ang bata. Kahit noong una ay maldita siya at medyo nakakainis ay bigla namang nagbago ang trato niya sa akin. Napamahal na ako kay Cerae, parang ako na nga ang tunay niyang ina.

Minsan napapaisip ako, bakit kaya iniwan ni Cashren ang anak niya? Iniwan? Malamang iniwan niya ang mag-ama niya. Napaka-walang puso naman niya kung sinadya niyang iwan ang sarili niyang anak.

Ako ang nasasaktan para kay baby Cerae. Kung sana lang ay ako na talaga. O kaya huwag na kamong hanapin ni Cervin ang legal wife niya.

Nandito na naman ako, 'di ba? Nandito na ako at handa akong maging ina ng bata. I love Cerae, so much.

"Hi, dear." Sabay kaming napalingon ni baby Cerae nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at pumasok si Xena.

As usual, nakasuot na naman siya ng dark sunglasses niya. Akala mo bulag lang at ang akala mo naman ay may sikat ng araw sa mansion namin.

How did Xena know about me? Nalaman niyang nawawala ang pinsan niya pero hindi naman daw siya nag-expect na may proxy wife raw si Cervin at kamukhang-kamukha pa.

Kaya bago niya ako pinuntahan sa mansion ay nagpa-investigate na siya sa akin at nalaman niya kung sino ako.

Isa pa, hindi ko malilinlang si Xena. Attorney siya at matalino siyang mangilatis ng tao.

Pero nagulat ako nang makita ko ang batang karga-karga niya.

"Hi, Kienna!" masayang tawag ni Cerae sa batang karga ni Xena.

Si Kienna Mojeh. Ang cute ng batang 'yan at kamukha ng hubby niya.

"How are you, Shin?" Yeah, maliban kina Art, Crim at Drim ay Shin din ang tawag sa akin ni Xena.

"I'm fine," sagot ko.

"Say to it the woman who are not fine," malamig niyang saad 

"Whatever," sambit ko and I rolled my eyes.

Naging malapit na kaibigan ko si Xena pero bihira lang kaming magkita niyan.

Busy siya sa work niya at once in a month lang talaga siya dumadalaw rito sa amin.

"How's your heart, baby girl?" I asked her at ako naman ang napangisi.

"Still martyr, are we?" I added at kitang-kita ko ang pagtatagis ng bagang niya. Para siyang lalaki, 'no?

She's a silent type of girl but dangerous. She's ruthless when it comes to her works. Hindi siya nabibili ng pera at madalas kalaban niya ang mga politika. Marami na siyang naikulong na mga kriminal at drug lords.

No wonder na delikado na rin ang life niya. Maraming banta but mind you, guys. She can fight you without guns. Aside from self-defense ay nag-aral din siya ng Martial Arts.

Mabait naman siya sa mga taong malapit sa kanya. Sadyang tahimik lang siya at martyr.

Bakit martyr?

"She said, she's still beating for her husband," she answered me na malamig pa sa yelo ang boses.

"Oh, bad," sabi ko at umiling sa kanya.

She's infertile, she can't bare a child at alam iyon ng asawa niya. Pero ano ba ang ginawa niya?

Nagbayad sila ng babaeng maaaring anakan ng asawa niya. Para lamang magkaroon ng taga-pagmana ang mga ito.

That's her idea, anyway. But she's a liar kung hindi niya aaminin na hindi siya nasasaktan sa ginagawa niya. Durog na durog na po ang puso niya but she's a fighter, hindi lang physically. 

Kung titingnan mo siya ay parang wala siyang naging problema o hindi siya broken hearted but the truth is? Deep inside in her heart? She's really a broken.

Kierson is just like Lervin, and Cervin too.

At magkakaibigan ang mga iyon kaya same attitude ang mga gago.

***

"SHIN!" Salubong sa akin nina Crim at Drim.

Kaagad na inakbayan ako ni Crim kaya napabusangot ang mukha ko.

Paano ba naman kasi? Ang bigat ng braso niya.

"Cashren Jhed Vesalius?" saad ng isang lalaki at huminto sa tapat namin.

"Yes?" It was Crim who asked the guy.

"I'm from Angel M. I have an offer for you," diretsong sabi ng lalaki at may inilahad siyang calling card na mabilis namang inagaw ni Crim.

"Sure, we can call you later," nakangiting sabi ni Crim at hinila na ako palayo roon.

Natatawa na lang sina Art at Drim. Hindi na ito bago sa amin. Madalas kaming hinaharangan ng taga fashion agency.

Nadaanan namin ang trash bin at lumapit si Crim dito at dahil naka-akbay siya sa akin ay nakalapit din ako.

"There," ani Crim at pinagpunit-punit ang calling card saka niya ito binasura.

I shrugged my shoulder, he used to it. Hindi namin tinatanggap ang offer ng mga taga agency na 'yan para mag-model. Model is not my things, anyway.

Kunwaring masaya si Crim na tatanggapin ang calling card pero kung makakalayo na kami ay saka niya ito pupunitin at itatapon sa basurahan. 

Mabait siya at ang ganoon ang ways niya para hindi ma-offend ang mga taga-agency.

Nagulat naman kami nang maglabas din si Drim ng calling cards, hindi lang po isa. Marami.

"This is for Art, but she don't have any idea about this," mahinang bulong sa akin ni Drim at umiling na lamang ako.

Crimson and Drimson Del Labiba, aside from Art ay sila rin ang mga naging kaibigan ko rito sa University.

They are twins and overprotectective. Naaalala ko sa kanila si Gabril. Ganyan na ganyan ang ugali ng dakila kong kaibigan. 

"Come on, guys! We are going to be late na!" hysterical na sigaw ni Art at napatawa kami.

Art is just like Xena. Martyr din siya at sa kabila ng mga magaganda niyang ngiti? Ay may lungkot din ang nakatago sa pagkatao niya.

Mabilis na inakbayan ni Drim si Art at hinatid na nila kami sa department namin. Magkaiba kasi ang mga course namin.

"Good luch sa performance niyo!" wika nila bago sila nagtungo sa department nila.

Kakanta kasi kami ni Art bilang punishment namin kahapon kaya ngayong araw ay mag-pa-practice kami.

***

MABILIS ang takbo nang oras kung kaya't dumating din ang foundation day namin at pati ang performance namin.

And Cervin is invited, he's with someone else. Definitely his date. Margarette.

Masyado silang masakit sa mata. Nakakasakit. Ganyan na ba sila ka-close ng hilaw na babaeng iyon para lamang maging date niya ito?

Puro mga doctors ang invited sa event and thanks God, wala ang Lervin babe ni Art.

Na ipinagpasalamat pa niya.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon