Chapter 18:Avoiding
"YOU OKAY, anak?" tanong sa akin ng mommy ni Cashren.
Nasa mansion nila ako dahil pagkatapos nang pag-uusap namin ni Cervin kagabi.
Kinabukasan lang din ay nagpasundo ako sa family driver ng parents ni Cashren. Siyempre sinama ko si baby Cerae, eh hindi na nga umalis sa tabi ko. Na-trauma sa pagkawala ko bigla.
"Okay lang po ako, mommy," nakangiting sagot ko at para akong pusa na inabot ang kamay niya at pinatong ko ito sa ulo ko.
Gusto kong maramdaman ang paghaplos ng isang ina na pinagkait sa akin ng Diyos ang pakiramdam na 'yon.
Gusto kong maranasan ang pag-aalaga sa akin ng isang ina at sa katauhan ng parents ni Cashren ay ngayon nga nararamdaman ko na ito. Magaan ang loob ko sa kanila parang sila nga ang tunay kong pamilya.
Oh, speaking of the family, I remember my Lola Inding. Miss na miss ko na siya.
"Nag-cry po si mommy ko kagabi, dada. Away siya ni daddy ko," rinig kong pagsusumbong ni Cerae at nasa kandungan siya ng lolo niya.
Natawa kami pareho ni mommy... Nawa'y ibigay naman sa akin ng Diyos ang karapatang tawagin kong ina at ama ang tumatayong magulang ko ngayon.
Alam kong pansamantala naman ito pero sana...kahit saglit na saglit lang ay ibigay na niya sa akin ang pagkakataon na ito.
"Nag-away kayo?" tanong sa akin ni mommy at para akong batang nakayakap sa kanya. Napapa-pikit mata pa ako dahil sa paghaplos niya sa akin.
"Kaunting tampuhan lang po, mom," sagot ko.
"Kaunting tampuhan na nauwi sa pag-aaway?" ani mom at tumango na lamang ako.
Sabado ngayon kaya walang pasok. Kinukulit din ako ng mga kaibigan ko kung bakit hindi ko raw sinasagot ang mga tawag nila.
Lalo na si Art na alam na alam ang situation ko pero keri ko ito. Mas masakit 'yong nangyayari sa kanya ngayon.
Magkaibigan nga naman sila kaya parehong tarantado, at ayon kay Xena magkaibigan daw sina Cervin at ang gago rin niyang asawa na si Kierson.
Naturingan silang doctor pero mga walang puso naman. Buwisit silang lahat.
Well, hayaan na ang mga gago kasi balang araw ay kakarmahin din sila. Sana mauna si Lervin.
"Good morning po, mom and dad."
I automatically open my eyes when I heard that voice.
"C-Cervin? What are you doing here?" curious na tanong ko sa kanya.
Ano naman kaya ang ginagawa niya ngayon? Bakit sinasayang niya ang oras niya sa pagpunta rito na sa halip na hanapin ang wife niya? Seriously? Sayang ang oras niya, ako na ang nagsasabi. God...
Napataas ang kanang kilay ko nang nagmano siya kay dad at hinalikan naman niya sa pisngi si mommy.
Si Cerae na hinalikan niya rin sa noo at tumigil ito sa tapat ko. Napaayos ako nang upo at napatikhim. Kinabahan ako, eh.
Hinawakan niya ang kamay ko at may ibinigay siyang bouquet of red roses! My, God! Bakit nagiging sweet siya?
"Flower for my beautiful wife," matamis na sabi niya at feeling ko namumula na ang pisngi ko. Tangina flowers na 'yan.
"Anong trip mo ngayon?" malamig na tanong ko sa kanya. Sa halip na sagutin ako ay ngumiti lang siya.
"Oh, siya. You need privacy 'ata. Sweetheart, come here. Iwan na muna natin ang daddy at mommy mo," nakangiting sabi ni mommy at inaya na nga si Cerae.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...