CHAPTER 20

7.7K 102 0
                                    

Chapter 20:Weron

"MIERDA!" Napaigtad ako sa gulat nang may nagmura at tuluyang sinara ang nakabukas na pintuan.

Umawang ang mga labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan ang lalaking nasa harapan ko.

"S-Sino ka?" nauutal kong tanong at umatras pa ako.

Ang bilis-bilis nang tibok ng puso ko. Hindi makapaniwala. Humakbang siya palapit sa akin at kinulong niya ako sa mga bisig niya. Magpupumiglas sana ako pero naramdaman ko bigla ang comfort nito na napaka-pamilyar sa akin.

"M-Mali ang iniisip mo, Shin. H-Hindi ako 'yon," sabi nito at takot na takot ang boses niya.

Sino? Sino ang lalaking 'yon sa loob ng silid? Sino ang kaniig ni Georgina? Teka...

"Get out, Weron!" biglang sigaw ni Cervin at narinig ko ang kalabog sa loob ng silid.

Hinila ako ni Cervin pababa sa hagdan. Naguguluhan ako sa nangyayari.

***

Pabaling-baling ang tingin ko sa dalawang lalaki na medyo nay pagkakahawig sa isa't-isa. Pero kilala ko kung sino sa kanila si Cervin.

Kilalang-kilala ko. Kahit yata nakapikit lang ako.

"Explain, Weron," nagtatagis ang bagang na saad ni Cervin sa lalaking nasa tabi niya. Nakaupo sila sa tapat nang kinauupuan ko.

"I'm really sorry, Mrs. Vesalius. I didn't meant that. I am Weron Miguel Vesalius, cousin ni Cervin at kung ano ang nakita mo kanina ay patawad. Hindi ko talaga sinasadya," hinging paumanhin niya sa akin at binalingan ko nang tingin si Cervin.

"Hindi ako 'yon, Shin!" defensive na sabi niya na may kalakasan pa ang boses niya.

"K-Kung ganoon, ikaw ang kasama ni Margarette kanina?" tanong ko pero umiling lang si Weron.

"It's your husband and I'm sorry for pretending your husband as me, sorry guys. Ewan ko ba kung bakit nagiging wild ako sa tuwing kinakama ko na--" Cervin cut him off.

"Stop right there, Weron! Sinisira mo lang talaga ako sa asawa ko at dinala mo pa rito ang mga babae mo?!"

"Chill, cousin. Ano ka ba naman, kung hindi dahil sa 'yo ay wala ako rito. Display mo lang ako kasi para may tumayong Cervin sa oras na wala ka at hinahanap mo ang totoo mong asawa," sabi ni Weron at bumilis na naman ang tibok nang puso ko.

Ayos na ako kanina, medyo nawala ang sakit noong nalaman ko na may kinakamang iba si Cervin pero si Weron lang pala. Mas doble rin 'ata ang sakit na malaman mong hinahanap pa niya ang asawa niya.

Katulad ko ay may proxy rin siya. Nililinlang din ako ni Cervin.

"Magpapahinga na ako," walang emosyong sabi ko at mabilis na iniwan sila roon.

"Marshin!"

***

PATULOY pa rin ang takbo ng buhay ko. Fourth year college na kami ni Art at ga-graduate na kami this year.

Pero alam kong hindi pa rin ako masaya kasi hindi naman si Marshin V. Escalante ang magtatapos. Kundi si Cashren Jhed Vesalius.

At si Cervin? Iniiwasan ko na siya kahit na patuloy pa rin siya sa panunuyo sa akin. Naiinis ako sa kanya at nasasaktan din at the same time.

Akala ko talaga ay huminto na talaga siya sa paghahanap kay Cashren pero lingid sa kaalaman ko ay hinahanap-hanap pa rin niya ang asawa niya.

Wala talaga akong lugar sa puso niya. Si Cashren lang talaga.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon