Chapter 30:The Truth (Art)
LUMIPAS ang maraming araw. Na hindi ko akalain na ganoon na pala kabilis lumilipas ang mga panahon, nang hindi mo namamalayan.
Hindi natin namamalayan na umaga pa lang pero papalapit na naman ang gabi. Sa bawat segundo ay nagiging minuto, nagiging oras, nagiging araw at magiging buwan na at kalaunan ay magiging taon na rin.
Curious kayo kung ano na ba ang nangyari sa akin, makalipas ang ilang mga araw?
Naka-move on na ba ako? Nakalimutan ko na ba ang feelings ko para kay Cervin? Tanggap ko na nga ba na hindi kami para sa isa't-isa? Okay na ba ang puso ko?
Ang sagot ko ay hindi. Hindi pa. Mas lalo lang ako napapamahal sa lalaking 'yon. Umiiwas ka ngunit mas lumalalim lang pala ang nararamdaman mo sa kanya. Ganoon 'yon.
Pero naka-move on na nga ba talaga ako? Hindi, hindi talaga. Kontento na ako na nagkakausap kahit civil lang ang trato namin sa isa't-isa.
Maikling minuto lang na mag-uusap kami at pinapaalalahanan niya ako sa maraming bagay. Pero umiiwas pa rin ako. Iniiwasan ko pa rin siya at alam kong alam na niya 'yon. Ramdam niya ang ginagawa kong pag-iwas.
Pero wala naman siyang ginawa para mapalapit talaga siya sa akin. Parang pabor pa sa kanya ang iwasan ko siya.
Okay lang sa kanya kahit abot kamay ko siya ay malayung-malayo pa rin siya sa akin.
At hindi ko rin inaasahan. Ang secret ni Art ay nabunyag din. Nalaman ito ng kaibigan naming kambal. Lumalabas at nagiging visible na talaga ang mga symptoms niya.
Kahit nahahalata nila ay hindi naman nila malalaman ang tunay na sakit ni Art. Pinilit nila ako. Dahil malakas daw ang pakiramdam nila na may nalalaman ako about Art. Dahil ako lang naman daw ang kasa-kasama ng kaibigan namin.
And I know, no choice ako kundi sabihin sa kanila ang katotohanan. Nagalit sila, nagalit sila dahil nalaman nila ang sakit ni Art kung kailan daw huli na ang lahat.
Nagalit sila dahil sa mga oras na dapat nasa tabi lang sila ng kaibigan namin ay wala naman silang nagagawa.
Walang cure at walang gagawin na ano upang magpagamot ang kaibigan ko. Tanggap niya, tanggap niya ang kapalaran niya. Mas pipiliin niya ang mawala sa mundo.
Hindi siya takot mamatay. Mas takot siya na hindi maging masaya ang buhay niya na may taning na rin.
At naintindihan naman ako ni Art, okay lang daw 'yon at wala akong kasalanan. Pero ang mas ikinagalit ng kambal ay iyong may nalalaman daw si Hillarus.
Feeling nila kasi hindi sila kaibigan ni Art at nagawa pa naming maglihim sa kanila.
Wala, eh. I respect her decisions dahil iyon na lamang ang kaya kong gawin para kay Art. Kahit gustuhin ko man na ipagsabi sa kanila ay wala rin naman akong magagawa. Desisyon iyon ng kaibigan ko.
BREAK TIME na, at excited si Art na lumabas kahit hindi na normal ang paglalakad niya. Nasaktan ako noong makita ko siyang ganoon na ang paglalakad niya kinabukasan.
Nasaktan ako at gusto kong umiyak nang umiyak. At sigawan ang mundo, ang Diyos, na napaka-unfair niya sa best friend ko. Unti-unti niyang binabawi sa amin si Art.
Pero alam niyo ba?
Nakaka-inspired ang kaibigan ko, Nakakamangha siya. Kahit may sakit siya, kahit nasasaktan na siya ay hindi ko man lang nakitaan nang kahinaan si Art. Hindi ko nakita na naging malungkot siya. Nakangiti lang siya at mukhang masaya pa siya.
Iyon ba ang kasabihan, na mabuhay ka nang maligaya habang nasa mundo pa tayo? Na life is short, at maging masaya habang nabubuhay pa tayo. Na sa kabila ng sakit niya at pagsubok na dumating kay Art ay hindi siya sumuko. Maliban sa pagsuko niya sa sakit niya.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...