Chapter 45:Revelation
PAGKAUWI ko sa mansion namin ay nadatnan ko ang mag-ina kong nag-uusap. Ito na ang araw na hinihintay ko. Ang mabubuo ulit kaming magpamilya.
Hindi ba dapat maging masaya na ako ng tuluyan? Na iyon naman talaga ang naramdaman ko noong bumalik na sa amin si Cashren.
Pero bakit may kulang? Bakit hindi ako masaya na umuwi? Bakit ganito ang nararamdaman ko? May hinahanap...may hinahanap na presensiya ng isang tao.
Ito na ba ang kasabihan na, mas malalaman mo ang halaga ng isang tao kung wala na ito sa 'yo. Pero alam ko naman na mahalaga talaga sa akin ang taong iyon, eh
I cared for Shin, God knows...
"Daddy! I have something to tell you!" masiglang sabi sa akin ng anak ko at lumapit ako sa kanila.
I leaned my face to kiss my daughter's cheek and she hugged me. Nakaupo lang sa sofa ang asawa ko at ngayon ay nakangiti na.
"What is it, anak?" I asked my daughter.
"I have siblings, Dad! May baby brother and baby sister po ako, sabi ni Mommy Cashren!" masiglang sabi niya.
Dapat magalit ako, dapat nakararamdam ako ng selos sa malamang may anak...m-may anak na ang asawa ko sa ibang lalaki. Pero bakit...bakit wala akong naramdaman kahit na ano man lang?
"Cashren."
"Sasabihin ko sa 'yo ang nangyari sa akin, four years ago, Cervin. I'm so sorry, kung pinag-alala kita. Believe me, hindi ko intensyon ang iwan ka. Ang iwan ko kayo ng anak natin. Pero... Cervin, k-kaya mo pa ba akong tanggapin g-gayong may anak na ako sa ibang lalaki?" malungkot na tanong niya sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko.
"Cervin, babe?"
"Cashren?"
"H-Huwag mo ng hanapin pa ang babaeng iyon. Nandito naman ako, nandito na ako..." she said and her tears fell.
I hugged her. Bakit tila malungkot siya? Bakit nagkakaganito si Cashren? Bakit ganito siya?
She hugged me back, mas mahigpit at parang ayaw na niya akong pakawalan pa.
Should I stop looking for Marshin? My wife is here...
"I won't leave you, again, babe. I'll stay... I love you." That's it... She kissed me on my lips.
Maybe, maybe I should stop looking for her.
***
"MOMMY! D-DAD! Oh my God!"
"My b-baby...Cashren."
Her parents arrived from Canada. I told them na bumalik na ang asawa ko at nasa maayos na kalagayan naman siya.
At nakapag-usap na kami about that. She's been kidnapped at nagkaroon siya ng amnesia, that's why hindi siya nakabalik sa amin. Isa pa na tinago talaga siya sa amin. She told me about Margarette. Alam kong matagal na siyang wala sa bansa but I want justice for my wife. Maniningil ako.
Nang dahil sa kanya ay napahamak ang asawa ko at ilang taon na nawala sa amin. Nang dahil sa kanya--maybe hindi ko nakilala si Marshin?
"Daddy...I missed you," umiiyak na sambit ng asawa ko habang yakap-yakap niya ang parents niya.
Nakikita ko sa kanila na nangulilala sila sa presensiya ng isa't isa.
"Cervin," tawag sa akin ni Cyan.
"Cyan, salamat naman at nandito ka na. Stop searching for her, Cyan. Huwag mo na siyang gambalain pa. Alam kong...nasa maayos na lugar naman siya ngayon," sabi ko kay Cyan at nagulat pa siya sa sinabi ko.
Hindi ko na dapat siyang gambalain pa dahil sasaktan ko rin naman siya. Isa pa kompleto na ang pamilya ko. Hindi ko na siya kailangan pa, right?
"But Cervin..."
"Hayaan mo na siya, Cyan."
"P-Pero may nakalap akong mahalagang information about Marshin V. Escalante," aniya at sinulyapan pa ang parents ni Cashren, "This is all about their missing daughter..." he added.
"W-What?" gulat na tanong ko sa biglaang pagbabalita niya.
Ano'ng missing daughter?
***
"W-WHAT do you mean by that?" nauutal na tanong ng father-in-law ko at talagang nakuha nito ang buong atensyon ni Cyan.
"I went to Sta. Maria Province for the investigation. At may iilang nalaman ako tungkol kay Indina V. Escalante," paninimula niya at inabot ang dala niyang brown envelope sa daddy ni Cashren.
"Indina V. Escalante? P-Parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyon," my mother-in-law said at nanghihina itong napaupo sa sofa na kaagad namang dinaluhan ng asawa ko.
"I remember her..." sabi ng Daddy ni Cashren.
"Ayoko naman po kayong biglain pero alam kong dapat malaman niyo ito bago pa man mahuli ang lahat. You knew about Maria Angel's Orphanage, right Sir, Ma'am? 25 years ago...you delivered a twin babies, but you didn't know that," binalingan naman ni Cyan si Daddy.
"You know that already, Sir. But you lost the twin kaya nasabi niyo sa asawa niyo na hindi kambal ang anak niyo," Cyan added at kusang tumulo ang mga luha ng ama ng asawa ko.
"Before Cashren Jhed, there's Cashner Jhen was born on February 7 19XX. Kambal po ang iniluwa niyo that day, Ma'am."
Fvck! What kind of this revelation is it?!
"Y-You mean...si Marshin V. Escalante ay kakambal ng asawa ko?"
"Y-Yes..."
"Oh my, God!"
"But, I have a bad news. Marshin is diagnosed of Stomach Cancer."
At this moment para akong pinagsalukban ng lupa at langit. Oh, fvcking shet!
"H-Hon, a-ano'ng...ano'ng ibig sabihin niya? M-May k-kakambal ang anak natin?" nanghihinang tanong ng mother-in-law ko sa asawa niya.
Halata sa mukha niya ang gulat at unti-unti nang nangingilid ang mga luha niya sa mga mata niya.
Nakakagulat ang revelation ng kaibigan ko at hindi ko alam kung paano niya nahungkal ang information na iyon. Eh, 25 years na ang nakalipas pero ngayon?
Napabuntonghininga na lamang ako at nagsimula na naman akong mangamba.
Shin... Shin, why? Why you didn't tell me? Fvck! Pakiramdam ko napaka-hopeless kong tao. Nasa poder pa kita, kasama pa kita at halos araw-araw naman ay nakikita kita p-pero bakit...hindi ko man lang napansin ang pagbabago mo?
Ni hindi ko napansin na may sakit ka na pala. Ganoon ba ako kagago at hindi ko man lang nalaman ang sakit na nararamdaman mo? Maliban sa sakit ng puso mo na ako ang nagdulot no'n?
"Calm down, Mommy. We talk about this. Dad," Cashren said.
"Have a sit, Cyan," pag-aaya ko sa kaibigan ko at bago pa siya umupo sa single sofa ay nginisian na muna niya ako at bumulong.
"Akala ko ba hihinto na ako sa paghahanap?" sarkastikong tanong niya at sinamaan ko siya nang tingin.
"C'mon, Cyan, kung ayaw mong paduguin ko ang bibig mo," banta ko sa kanya pero hindi niya 'yon binigyan pansin at tumawa lang siya.
Nasa kalagitnaan na kami nang pag-uusap nang dumating si Mommy.
"Where--oh! The legal wife is back," ani Mommy pero base sa hitsura niya ay parang hindi siya nagulat.
"Momma!" my daughter called her Momma at mabilis na niyakap ito ng Mommy ko.
"Mom, puwede bang isama mo na muna si Cerae sa 'yo? May pag-uusapan po kaming importante," wika ko kay mommy pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
"Important? I should be here, then," matigas na sambit ni mommy at wala na akong nagawa nang umupo na siya at katabi ni Cerae.
"Come on, hon. I'm waiting... We are waiting, talk please," may pagsusumamong sabi ng ina ng asawa ko at huminga pa nang malalim si daddy.
"25 years ago..." paninimula ng Daddy ni Cashren at nagsimula nang nagkarerahan ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...