Chapter 26:Missing You
"H-HILLARUS?" gulat na sambit ko sa pangalan ni Hillarus nang huminto ang kotse niya sa tapat ko.
"Hop in," walang emosyong saad niya.
Ano naman kaya ang ginagawa ng isang 'to rito sa amin? Saka paano naman niya nalaman na rito ako nakatira.
"What are you doing here, Hillarus?" nagtatakang tanong ko sa kanya at tinaasan pa niya ako ng kilay.
'Yong buhok niya as usual ay magulo na naman, hindi talaga siya nag-aabalang magsuklay ng buhok niya tapos naka-leather jacket na naman siya. Seriously? Ganyan talaga ang get-up niya.
"Can you just hop in? And stop asking me, seriously?" tila naiiritang sabi niya at siya na mismo ang bumaba mula sa kotse niya at hinila ako upang makasakay na rin.
Pero napahinto kami sa paglalakad ng may humawak sa kaliwang braso ko.
"At saan mo naman dadalhin ang asawa ko?" maawtoridad na tanong ni Cervin.
Yes, si Cervin nga ang pumigil sa amin. Blangko ang mukha niya at umiigting na ang panga niya. Parang any moment ay magpapatayan na sila ni Hillarus.
At hindi naman magpapatalo ang isa, dahil ganoon din ang reaksyon nito. Ako pa ang mas matatakot sa kanilang dalawa. Parehong hawak nila ang magkabilang braso ko. Feeling ko nga pinag-aagawan nila ako, eh. Ang haba ng hair ko.
Guwapo naman talaga si Hillarus, may ibubuga ang looks nito. Tahimik nga lang at parang tamad mag-aral. I heard na dating medicine ang course niya pero nag-shift siya sa kadahilanan na hindi niya pangarap ang maging doctor sa hinaharap.
"Your wife?" malamig na tanong ni Hillarus kay Cervin. May tunog na pang-iinsulto pa ito na ikinakunot ng noo ko. Naghahanap din yata ng away.
"Let go," utos ni Cervin kay Hillarus pero hindi siya nito pinansin.
Nasa labas na kami ng gate ng mansion ni Cervin at nakaparada sa gilid nito ang sasakyan ni Hillarus. Maaga pa kaya medyo wala pang taong dumadaan sa village na ito o mga kotse.
"Ikaw ang bumitaw," ani Hillarus at hinila ako palapit sa kanya kaya mas humigpit ang kamay ni Cervin sa braso ko.
Ako ang nasasaktan, tangina nilang dalawa!
"Puwede bang bitawan niyo na akong dalawa!" sigaw ko sa kanila kaya pareho nilang binitawan ang braso ko. Dahil sa gulat.
Sinamaan ko sila nang tingin bago ko sila tinalikuran at sumakay na sa kotseng nakaparada sa gilid.
"Marshin!" tawag sa akin ni Cervin at may pagkairita 'yon.
Sumakay na kasi ako sa sasakyan ni Hillarus kaya mas lalo lang siya nagalit sa akin. Well, reputation na naman ng asawa niya ang iisipin niya.
Na kesyo ang kapal-kapal ng face kong gumala gayong pangalan ng kanyang asawa ang dinadala ko at masisira ko na naman daw ang imahe ng impakta niyang asawa. Grr.
Mabilis din na nakasakay si Hillarus at may ngisi na ang nakapaskil sa labi niya. Tila nagwagi siya sa isang pustahan.
"Burn, Vesalius," mahinang bulong nito na sapat na upang marinig ko.
"Paano mo naman nalaman na rito ako nakatira? And excuse me, friends ba tayo? Feeling close ka, ha?" supladang sabi ko sa kanya.
Saglit lang niya ako tinapunan nang tingin at mas lumawak ang ngisi niya.
"Kakaiba ka talagang babae. 'Yong best friend mo ay kaibigan ko na. Kaya lahat ng kaibigan ni Arthea ay kaibigan ko na rin. Maliban sa kambal, I hate their guts," aniya at namilog ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...