Chapter 21:Art's check-up
BAKIT tinatanong niya 'yon sa akin? Sa dami-rami ng maisip niyang tanong ay iyon pa talaga?
Seriously? Mangyayari ba iyon sa amin? Kahit hindi naman?
"Ang magparaya? 'Yong hahayaan kitang ikasal sa ibang babae kahit na asawa pa kita?" balik na tanong ko sa kanya at siya naman ngayon ang natigilan.
"Ano kaya ang mararamdaman mo, kung ikaw 'yong nasa sitwasyon ng asawa ng doctor na 'yon? Tiyak na ganoon din ang gagawin mo. Gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo. Kahit na alam mo sa sarili mo na ikaw ang mas masasaktan sa huli," ani ko.
"Pero ganoon naman talaga ang pag-ibig. Nagpaparaya, hindi selfish 'yon. Mas nanaisin mo pa ang masaktan kaysa 'yong taong mahal mo ang makakaramdam ng sakit na 'yon. Pero...napapagod din naman kami, kaming nagmamahal sa inyo," dagdag ko saka ko siya iniwan doon at muli kong binalikan si Art pero ramdam kong sumunod siya sa akin.
"Pagod ka na ba, Shin?" tanong niya sa akin at naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
"Katulad nang sinabi ko sa 'yo. Napapagod din kami. Nakikita niyo man kaming mga babae na umiiyak ay mas malakas pa rin kami kumpara sa inyong mga lalaki. Kami, iiyak lang nang ilang buwan pero makakaahon pa rin kami sa lungkot. Nakakapag-move on pa rin kami. Matatanggap namin ang magiging kapalaran namin. Eh, kayong mga lalaki? Mahihirapan kayo. Sabihin na natin na pareho lang tayo ang nasasaktan. Pero kumpara sa amin? Mas matindi at mas grabe ang sakit na mararanasan namin. Weak man kami emotionally at malakas kayo physically, mas mauuna kaming makakalimot," mahabang sambit ko at hindi na siya kapagsalita pagkatapos no'n.
Tama, napapagod din tayo sa pag-ibig. Nakaka-pagod magmahal kung alam mong madalas kang nasasaktan.
Sa akin? Sa situation ko ay mas mahirap. Nahulog ako sa taong may pamilya niya. Pero 'yong asawa ng doctor na 'yon? Nasaktan na at nakalimutan pa ng asawa. Pero kahit ganoon, hinayaan niya ang lalaking mahal niya sa nais nito na batid niyang ikakasaya ito.
Hindi naman ibig sabihin no'n na hindi mo talaga siya mahal. Na hindi mo siya ipinaglaban. Hindi mo ipinaglaban ang pag-ibig mo sa kanya. Mahal na mahal mo lang talaga siya at ayaw mo siyang nahihirapan at nasasaktan. Aakuin mo pa ang sakit, sasarilinan mo ang sakit. Mahal mo siya at handa kang magparaya.
"BE CAREFUL next time, Art. Una, nagkasugat ka sa baba mo tapos ngayon nagalusan na naman ang mga tuhod mo. Sa pagkakakilala ko sa 'yo ay hindi ka naman clumsy," sabi ko kay Art.
Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng school. Umuwi na sina Cervin at Lervin kanina.
"May problema ba, Art? Why did you stop walking?" I asked her worriedly.
Bigla-bigla na lang kasi siya hihinto at malalim na naman ang iniisip nito. Ngingitian na sana niya ako at sasagutin na ayos lang siya kahit hindi naman.
Umatras ako at tinaas ko ang kanang palad ko, senyales na tumahimik siya.
"Hindi ako manhid, Art. Hindi ako bobo para hindi ko malaman ang mga nagyayari sa 'yo, these past few days. Do you think I am dumb that I can't noticed everything? There is something wrong with you. Not just emotionally but physically, too. Art, admit it," sabi ko sa kanya sa seryosong expression. Para makuha siya at aminin sa akin ang totoong nangyayari sa kanya nito mga nakaraang araw.
"Ewan ko rin, Shin. I don't know why I feel this strange feelings," sagot naman niya sa malungkot na boses at napahinga pa nang malalim. Halatang problemado.
May problema nga siya. May hindi normal na nangyayari sa kanya. Malihim lang siya.
"Art, what if magpa-check up ka sa doctor? I'll go with you," mahinahong saad ko at hinawakan ko pa ang kamay niya nang sobrang higpit. Nanginig bigla ang kamay niya at tila maiiyak na naman siya.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...