Chapter 6:Cervin's offer
"YOU can come with me. Sumama ka sa akin sa Manila."
Ang pagkakunot nang noo ko ay napalitan nang pagtaas ng kilay.
"Sino ka ba? At bakit naman ako sasama sa 'yo? For your information, hindi kita kilala at hindi ako sumasama sa mga estranghero na katulad mo kahit doctor ka pa," malamig na saad ko at wala ring emosyon.
Una noong sinabi niya sa akin 'yon ay bumilis ang tibok ng puso ko for no apparent reason. And heck! Bakit niya ako isasama sa kanya?
Saka as if sasama ako sa kanya? Okay, hindi naman ako nakakaramdam ng kung ano sa kanya, masama? Wala. Basta kinakabahan lang ako sa presensiya niya.
"I have an offer, Mareng."
Putrages na 'yan!
"Marshin, Marshin ang pangalan ko. At huwag na huwag mo akong tawaging Mareng," suplada kong sambit at tumaas lang ang sulok ng labi niya.
"Alright, Marshin. Una, magpapakilala ako sa 'yo. I am Doctor Cervin Raeson Vesalius, not really a surgeon but I am dealing with a medicine," aniya. Okay I got it.
"And so?" masungit ko pa ring saad.
"Accept my offer at maganda naman ang benefit mo rito. And as you know, pinaubaya ka na sa akin ng late grandmother mo. Ako na raw ang bahala sa 'yo."
Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi niyang 'yon.
"Ano?! Tangina mo, huwag ka ngang magbiro ng ganoon! Hindi ka nakakatuwa!" pagmumura ko sa kanya at napatula siya sa akin.
"D-Did you just...cursing me, woman? A-Ang lutong mo namang magmura, T-Tagalog pa," utal-utal niyang sambit.
"Mind you doctor whatever you are, hindi ako naniniwala sa 'yo. Hindi ka kilala ng lola ko at mas lalong hindi kita paniniwalaan!"
Tumayo naman siya sa tapat ko at may ngisi sa labi.
"I even recorded our short conversation to prove na I'm saying the truth," he said at inilabas niya ang cellphone niyang mamahalin.
Ilang segundo lang ay narinig ko na ang mahinang boses ng lola ko, na nagpabilis nang tibok ng puso ko lalo.
"D-Doc..."
"Ano po 'yon, lola?"
"Ikaw na ang b-bahala sa aking apo... A-Alam kong aalagaan mo siya nang mabuti. Isa pa..."
Hindi na natapos ang pangungusap ni lola nang biglang nagkagulo sa background at sigurado ako na 'yon ang eksena namin kanina ni Hannah!
Nakapag-usap sila nang ganoon kaikli oras? What?!
Napatitig ako sa kanya at nakataas na ang kilay niya.
"K-Kung tatanggapin ko. A-Ano'ng klaseng offer 'yan?"
"Be my wife... but a proxy of my wife."
"Ano? P-Proxy? Substitute?" sunud-sunod kong tanong sa kanya at hindi makapaniwalang tinitigan siya.
Nababaliw na ba siya? Bakit niya naisipang alukin akong maging proxy wife niya? At ano raw? M-May asawa na pala siya?
Napahawak ako sa dibdib ko nang tila may pumiga no'n ng kung ano'ng bagay sa dibdib ko.
A-Akala ko...single pa siya p-pero may asawa na pala siya? Bakit pa ako nagtaka? Eh, sa looks pa lang niya ay malalaman mong may nagmamay-ari na pala sa kanya.
At bakit nagkakaganito ako?! Bakit nagagalit ako?
"Be my proxy wife, please."
Umiling ako dahil hindi ako sang-ayon sa kanya. Hindi ako pumapayag sa nais niya.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomansGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...