Chapter 52:Pain
CERVIN's POV
"ARE you sure about this, Dr. Vesalius?" Dr. Jinsen asked me.
Siya ang kinuha kong personal doctor ni Shin kahit na bawal ito dahil sa kabilang ospital siya on duty. Pero dahil pareho sila ng kaibigan ko na nagmamay-ari ng malaking ospital ay mas naging madali sa amin ang makapunta siya rito. Hindi naman magkalaban ang ospital nila.
"Just tell me that our son is safe," sa halip na iyon ang isinagot ko sa kanya.
"He's safe, hindi naman siya maaapektuhan ng sakit ng kanyang ina. But sad to say, ang asawa mo ang maghihirap. You know she can't drink medicine except a pregnancy vitamins niya. Binigyan ko na siya ng mga gamot para sa sakit niyang iyon. But she's a mother, hindi niya hahayaan na mapahamak ang kanyang anak. I understand her situation, Dr. Vesalius. Alam kong una ko siyang naging pasyente ay talagang matigas na ang ulo niya. Pero narinig na natin ang sinabi niya. We only need to save her son... Emotional ang mga buntis kaya iwasan niyo na lamang ang mga ganitong pag-uusap. Para mas masigurado natin ang kaligtasan ng bata ay kailangan siyang ipa-check up sa specialist ng pregnancy." Napatango na lamang ako kay Dr. Jinsen bago siya nagpaalam na aalis na.
Nauna na ring umuwi ang parents ni Shin at tanging naiwan na kasama ko ay si Cashren at si Lindbergh.
Tahimik na pinagmasdan ko lang ang babaeng mahal na mahal ko. Alam kong naging manhid ako, naging bulag ako sa realidad. I hurt her, but I was just eager to looking for Cashren, para malaman ko na ligtas siya.
At ligtas naman talaga siya, hindi lang naging maganda ang pananatili niya kay Lindbergh. At ang gago, hinayaan nito na lumayo si Cashren.
Kung hindi lang sinugod sa hospital si Cashren four months ago at na-coma na naman siya for two months ay hindi talaga siya susunod sa Philippines.
May numumuong dugo pala sa utak niya at iyon ang pinagsisihan ni Lindbergh dahil hindi niya naipatingin nang maayos ang kalagayan ni Cashren. Nakuha niya iyon sa car accident at minsan nang nasabi ng mga doctor na any moment daw ay puputok iyon bigla pero walang kasiguraduhan na maililigtas siya.
But we have our team Art. She's safe.
Monitor ni Lindbergh ang mga galaw ni Cashren kaya pala bigla-bigla siyang sumugod sa ospital kasama ang mga anak nila. At masasabi kong hindi na niya pababayaan ito dahil nakikita ko na mahal na mahal na niya ang dati kong asawa. Pero mahirap magpatawad, malamig pa rin ang pakikitungo sa kanya. Bad for him.
Nabulag siya sa pagmamahal kay Margrette.
***
"HUWAG mong pababayaan ang kapatid ko, babe," saad sa akin ni Cashren at hinawakan pa niya ako sa kamay na mabilis namang lumapit sa amin si Lindbergh.
I smirked nang makita ang madilim na mga mata niya at umiigting ang panga.
"My love, that's below the belt," aniya at nilingon siya nito ng walang emosyon ang mga mata.
"You are not allowed to speak, I told you that, Lindbergh," she said coldly at biglang umamo ang mukha niya at napabuga ng hangin. Under siya ngayon ni Cashren, poor Lindbergh.
"Then stop calling her babe, my love. You hurting me," ma-drama niyang komento at napa-facepalm na lamang ako dahil talagang hinawakan pa niya ang dibdib niya para mas maipakita niya na nasaktan talaga siya.
"What the hell ever, Lindbergh," ani Cashren.
"What? Y-you...cursing me, my love!" Tsk.
"We need to go, Cervin. Alaagan mo ang kakambal ko kung ayaw mong tumama ang kamao ni Lindbergh sa 'yo," pagbabanta niya sa akin at natuwa na naman ang gago.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...