CHAPTER 53

10.2K 133 2
                                    

Chapter 53: Baby Cervix

MARSHIN's POV

NAGISING ako dahil sa naririnig kong ingay na malapit lang sa akin. Kumunot pa ang noo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses niya.

"What the hell!"

"Naalala mo a-ako! Naalala mo ang palayaw ko, baby! Nakaaalala ka nga!"

Mabilis na nagmulat ako ng mga mata ko para makilala ko at masigurado ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

And it's confirm! Si Xena nga!

"Xena," tawag ko sa pangalan niya at mabilis na lumingon siya sa akin.

Binaklas niya ang braso ng asawa niya at sinamaan pa niya ito nang tingin. Nakita ko pa ang pag-pout ni Dr. Kierson bago siya dumistansya kay Xena.

"Hi, my dear cousin. How are you? Hmm...malaki na ang baby bumps mo," nakangiting sabi niya at hinaplos pa niya ang tiyan ko.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Xena na okay na siya ngayon. G-Gising na siya. Nagising na siya sa pagkakatulog niya nang matagal.

"M-Masaya akong makita kang okay na, Xena..." saad ko at tuluyan na akong napaluha. Labis-labis ang kasiyahan ko na makita siya ngayon.

Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinaplos niya ang buhok ko. Nakahiga lang ako kaya nakatingala ako sa kanya.

"You should fight for your life, too, Cashner. Hindi puwedeng ako lang at ang kaibigan mo. Pati si Cashren, tapos na kami sa labanan between life and death. Kaya dapat ikaw rin. Magre-revenge pa tayo sa kanila," aniya at itinuro pa niya ang dalawang lalaking tahimik lang nagmamasid sa amin pero ngayon ay nag-react silang dalawa. Hindi sang-ayon sa sinabi ni Xena.

"Cervin?" Xena called Cervin.

"Yes?"

"Ilang taon bang naging proxy wife mo ang pinsan ko?" tanong niya at nagsalubong ang kilay ko. Bakit naman tinatanong ni Xena iyon?

Bigla ko tuloy naalala ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko. Ang pagkabigo ko sa pag-ibig, ang pagbabago ng kabanata ng buhay ko at lahat-lahat.

Tila may kung anong bagay na naman ang pumiga sa puso ko. Masakit pa rin talaga...

"Four years, why?" naguguluhang tanong naman ni Cervin.

"Four years. You should sleep in four years, too, Marshin. You need to sleep a long time para maging miserable ang life ni Cervin and by that, makakaganti ka na," aniya at natawa naman ako sa idea niya.

"Hindi natutulog ang may sakit na cancer, Xena and stop brainwashing her, tss," umiigtig ang pangang saad naman ni Cervin at malakas na tumawa lang din si Xena. Takot naman yata si Cervin na matulog din ako nang matagal.

"Takot ka naman pala, eh. Anyway, sorry kung nakatulog ako nang mahaba-habang panahon, Marshin. Hindi sana bago ako naaksidente ay nasabi ko na kina Tita at Tito ang tungkol sa nawawala nilang anak. 25 years na ang nakararaan." Nabigla ako sa sinabi niya. May alam siya? May nalalaman siya tungkol sa totoong pagkatao ko? Pero paano naman?

"Sources, dear, sources. Remember that time when I first met you? I already have an information about you. Kung sino ka, kung ano ang tunay mong pagkatao, kung saan ka nakatira, kung ilang taon ka na ba, kung sinu-sino ang family member niyo at lahat-lahat. Dapat noon pa sinabi ko na sa parents mo ang tungkol sa 'yo. Pero ayokong pangunahan ang tadhana, my dear. Saka alam kong someday makikilala mo rin ang biological parents mo. Dahil kung saan ka nagmula ay babalik at babalik ka pa rin. Baka magugulo rin ang takbo ng buhay mo, kapag nakialam pa ako," mahabang saad niya at bahagyang nilingon niya si Cervin na salubong ang kilay. Si Dr. Kierson na umiiling-iling lamang.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon