CHAPTER 49

10.9K 145 19
                                    

Chapter 49: The Cervin dramatic

"I'LL WAIT for you outside, Mareng." Nginitian ko na lang si Gabril biglang tugon at hinalikan pa niya ako sa noo.

Huminga muna ako nang malalim bago ko pinihit pabukas ang pintuan. Here it is, Shin.

Gising na nga si Art!

"Shin! Oh my, God!" sigaw niya at nagulat talaga siya nang makita ako.

Sumenyas ako na isara ang bibig niya, kung maaari lang sana ay walang makakaalam na narito ako. Saka ko ni-locked ang pintuan at lumapit ako sa kanya.

"Y-You're pregnant?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at laglag panga.

Tumango ako at may mga luha na naman ang nalaglag sa mga mata ko.

Mahigpit na niyakap ko siya nang tuluyan na akong makalapit sa kanya at nagsimula na akong umiyak sa balikat niya.

"Na-miss kita, Art. A-Akala ko tuluyan mo na kaming iniwan. N-Natakot talaga ako," mangiyak-ngiyak na sabi ko at hinagod naman niya ang likuran ko.

"Hush, Shin. Don't cry baka mapahamak pa ang baby mo," pag-aalo niya sa akin pero mas umiyak lang ako no'ng nai-mentionend niya ang 'baby' ko.

"S-Sorry kung hindi na kita nadalaw kaagad. Noong nalaman kong n-nagkamalay ka na ay gustung-gusto ko na talagang magpakita sa 'yo pero hindi ko naman magawa."

"Bakit? Dahil pinagtataguan mo ang Cervin bebe mo?" tanong niya sa akin.

"Oo, isa pa natatakot na akong magpakita pa sa kanya." Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya at diretsong tiningnan niya ako sa mga mata ko.

"Si Cervin ba ang ama ng dinadala mo, Shin?" seryosong tanong niya

Umiiyak na tumango ako at bumaba ang mga mata niya sa baby bumps ko. Napatingin naman ako bedside table nang makakita ako ng pizza roon. Kumalam ang sikmura ko.

"Art, gutom ako. P-Puwede sa akin na ang pizza mo?" sabi ko tapos umiba na ang mood ko. Kung kanina ay umiiyak ako ngayon ay hindi na. Napangiwi siya dahil do'n.

"Bakit pizza ang kakainin mo? Saka hindi ako kumakain niyan, hate ko ang pizza. Hindi ko lang maitapon kasi baka maano...ma-offend ang Cervin bebe mo," sabi niya.

At nang marinig ko ang pangalan ni Cervin ay patalon na nilapitan ko ang pizza. Napahiyaw pa siya dahil sa gulat.

"Shin!" suway niya sa akin at mabilis ko namang nakuha ang box ng pizza at doon kumain. Yum, yum, sarap.

Hindi ko talaga trip ang pizza sa labas pero galing daw ito kay Cervin kaya pala mas bet ko ang pizza ngayon.

Muling umupo ako sa gilid ng kama niya at kumain na ako ng pizza. Gutom na gutom ako kahit kanina lang ay kumakain ako nito.

"Alam mo bang pinapahanap ka niya? At pinag-uunahan kang hanapin ka," pagkukuwento niya sa akin at tumango-tango lang ako.

"Kung makikita ka ni Hillarus, o sina Drim at Crim ay ilalayo ka na nila from Cervin. At dahil sumama ako ay ako ang magpapalayo sa 'yo sa kanya. Gusto mong sumama sa akin?" tanong naman niya at mabilis na nilunok ko ang kinakain ko. Uminom na muna ako ng tubig bago sumagot.

"Actually...alam ng Lervin babe mo kung saan ako tumutuloy," sabi ko at nanlaki 'yong eyes niya.

"What the fvck?!"

"Saka isa pa...siya ang nagbabayad ng expenses ko," I added.

"What the fvcking fvck?!"

"Aray, Art. Hindi ka naman palamura, ha? Bakit ba mura ka nang mura riyan?" nakangiwing tanong ko sa kanya. Bad girl.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon