Chapter 48:Found you
CERVIN's POV
PASURAY-SURAY ang lakad ko patungo sa guest room kung saan ang dating silid ni Shin.
Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ay pabagsak na humiga ako sa kama at napatingala ako sa itaas ng kisame habang nasa noo ko ang kaliwang braso ko.
Nang ipikit ko ang mga mata ko ay ang imahe ni Shin ang nakita ko at napamulat ako ng wala sa oras.
"Fvck! Fvck!" sunud-sunod na mura ko.
Buong araw kong hinanap si Shin pero hindi ko siya nakita. Hindi ko siya mahanap. Ilang tauhan na ang nautusan ko at nagkusa na rin ako sa paghahanap, pero shet lang! Nabigo ako, nabigo akong mahanap siya!
Nang hindi ko na siya mahanap ay nagtungo ako sa bar at nagpakalunod sa alak.
"Urgh! Nasaan ka na ba, Shin? Nasaan ka na, Mareng? Please...b-bumalik ka na. B-bumalik ka na sa akin, please..." I uttered and I felt the hot water fell in my eyes.
Bakit ang sakit? Why do I feel na hindi ko na siya makikita pa? And I'm scared...
"Cervin! Cervin, dude!" It was Jai.
Ano na naman ang ginagawa ng isang ito sa pamamahay ko? Fvck! Pagod na pagod na ako.
"Cervin!" tawag ulit sa akin and this time boses na ni Taki.
Padabog na bumangon ako nang buong puwersang binuksan ang pintuan.
"Cervin!" Mariin na napapikit ako ng mga mata at napasabunot sa sarili kong buhok.
"What do you want, Jaickel?" malamig na tanong ko sa kanya.
"Cervin, help me, dude!" he said. Namumula ang mga mata niya na senyales na umiyak ang isang ito.
Magulo ang buhok at pati na ang kasuotan niya. Para siyang na-harass.
"Ano'ng klaseng tulong? For fvcking shet, Jai. May problema rin ako! Kaya hindi kita matutulungan," ani ko at humiga ulit ako sa kama pero malakas na hinila ako nito.
"Please, dude, I need your help! Help your bestfriend, and I really really need a doctor medicine this time," aniya at may bahid na kalungkutan sa boses niya.
"What is it?" takang tanong ko, desperado ang gago, eh.
"Tulungan mo naman ako, Cervin. Doctor ako pero wala akong alam sa lason-lason na 'yan!" sabi pa niya at nadatnan namin si Taki na nakikipag-usap sa asawa ko.
"Cashren," I called my wife. Lumapit siya sa akin at tinapik-tapik pa ang balikat ko.
"Help your friends, babe. Ikamamatay niya kapag mawala sa kanya ang kinababaliwan niyang babae," she said while smirking.
"Come on!" Napabuntonghininga na lamang ako at nagpahila na lang sa kaibigan ko.
***
"WHAT?! Are you fvcking serious, Jaickel Sanre Amero?! 15 hours? A fvcking 15 hours?! Ano ang akala mo sa akin, robot?!" sigaw ko sa kaibigan ko at hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya na ngayon ay hindi rin mapinta ang mukha niya.
Gusot na gusto ang damit niya at magulo ang buhok. Para talaga siyang na-harass ng sampung bakla. Tsk.
"Cervin naman, you can do it, right? Kaya mo ito, pakiusap kaibigan. Ikaw na lang ang makakatulong sa akin, sa amin. Help her, dude," sabi nito at napaawang ang labi ko nang makita ko ang mga luha niya sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...