Chapter 33:The lead
"HUWAG mo na akong ihatid," walang emosyong sabi ko sa kanya nang akma niya akong ihahatid sa L.D. Hotel.
Kailangan pa ba akong ihatid sa working place ko, eh kaya ko namang pumunta roon ng mag-isa lang?
Baka kasi nakakaabala na ako sa kanya. Alam kong busy rin siya sa hospital nila.
"Mareng," mariin na bigkas niya sa pangalan ko. Parang sinusuway ako sa paraan ng pananalita niya.
Madalas talaga ay hindi ko siya naiintindihan.
"Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo, na huwag mo na akong tawagin sa palayaw ko," mariin na sabi ko sa kanya. Ayoko ng marinig pa ang palayaw ko kapag siya ang tumatawag no'n sa akin.
"Pero Mare--"
"Alin ba roon ang hindi mo maintindihan?! H-Huwag mo naman akong paglaruan pa, Cervin. Iniiwasan kita, k-kasi 'yon ang nararapat kong gawin upang sa ganoon ay hindi na ako masanay sa 'yo. At binabawi ko na ang sinabi ko na kahilingan ko sana na muli kong mararanasan ang isang Cervin Raeson Vesalius na mag-alaga. Kahit ito lang pagbigyan mo na ako kasi wala ka namang nagawang maganda sa akin kundi ang magdulot ng sakit sa puso ko! Hayaan mo na ako..." emotional kong wika sa kanya saka ko siya tinalikuran at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko na mabilis nangilid.
Minsan nagiging moody ako. Kadalasan ay nagda-drama at madalas din nagiging martyr at marupok ako.
"Nandito na po tayo, ma'am." Narinig kong sambit ng family driver ni Cervin na naging personal driver ko na since naging Cashren ako at nag-aral sa ACU. Oh, 'di ba? Ang tagal na.
Pero...
Masyado ba akong nahulog sa malalim na pag-iisip at hindi ko man lang namalayan na narating na namin ang destinasyon? Panay rin ang pagbuntong-hininga ko na tila buong mundo ay problema ko na.
Na tila kahit ang iba't-ibang planeta ay nakaatang sa mga balikat ko na kay hirap na dalhin dahil mabigat na ang katawan ko.
Ni hindi man lang nabawasan. Tsk.
"Huwag po kayong mag-alala, ma'am. Darating ang panahon, kayo na naman ang titingalain ng karamihan. Kayo'y hahangaan na tila isang bituing pinakamakinang. Darating ang araw na siyang ngiti na lang ang aming makikita, imbis na mapait na ngiti. Tanging maganda at tila musikang tawa niyo na lang din ang aming maririnig, na sa halip ang pagbuntong-hininga. Ma'am, darating po kayo sa puntong magiging masaya kayo. Hindi man ngayon o bukas, sa makalawa. Darating pa rin ang tamang panahon." Napangiti ako sa sinabi ni manong. Naalala ko sa kanya si Lola Inding. Na mahilig sa matalinghagang salita na kahit ako ay hirap maunawaan.
Hindi ako nasanay-sanay sa mga ganoon.
Pinasadahan ko nang tingin ang matayog na building sa aking tapat. Nakatayo ako mismo sa gilid ng kalsada at tahimik na panonoorin ang takbo ng buhay ng mga tao, ang pag-ikot ng mundo.
Alam kong may mga tao rin sa mundo na katulad ko na labis nang nasaktan ay patuloy pa ring lumalaban. Kahit ilang ulit nang nadadapa ay patuloy pa rin sa pagtayo. Kahit ilang beses ng natalo ay siya pa ring lumalaban.
Kahit alam natin na sa huli ay talo na tayo ngunit hindi nawalan ng pag-asa.
Sa puntong ito, na-realize ko na...walang masamang maging mahina na paulit-ulit na nadadapa basta buo ang loob, basta buong puso ay lalaban pa rin ulit.
Pero naitaya ko na ang kahuli-huling alas ko. Ang pag-ibig.
***
WHITE blouse, sky blue ribbon, blazer and mini-skirt and 3 inches black shoes with black stocking. Name tag, check!
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...