Chapter 29:Art's birthday
IWASAN siya, 'yon ang dapat kong alalahanin. Ang pag-iwas na lamang ang solusyon sa problema ko. I know it's hard to forget this feelings, to move on pero ang pag-iwas na lang ang naisip ko na solusyon para lang makalimutan ko na siya.
Upang hindi na ako mas mahulog pa sa kanya lalo. Upang hindi na ako ma-attach pa sa kanya ng husto. Para hindi na rin ako masanay sa presensiya niya kung darating ang araw na maglalaho na ako bigla sa buhay nila.
Alam kong mahirap, mahirap iwasan ang taong mahal mo dahil mas matindi ang sakit sa tuwing hindi mo na siya makikita pa. Sa tuwing hindi mo siya kapiling, hindi ba?
Si Cervin na abot kamay ko na ngunit malabo ko pa ring maabot, ang layu-layo pa niya sa akin. Para siyang isang bituin na kay hirap sungkitin.
Na hanggang tingin na lamang.
***
"MAGANDANG kaarawan, Art! Nawa'y bigyan ka pa ng long-long lives ni Papa God. Love 'ya, best friend! See you, later!" I texted Art a happy birthday's message on the phone.
Today is her birthday, her special day, mabuti at naisama ako kahapon nina Drim na bumili ng gift for her.
Si Art 'yong tipong babae na hindi na kailangan pa ng materyales na bagay para lamang sa kaligayahan niya. Siya 'yong tipong babae na sa simpleng gift lang ay masaya na siya. Mayaman ang lolo ni Art. May mga hotels and restaurants sila at alam ko na siya na ang hahawak ng mga negosyo nila in the near future.
To be honest ay may pangarap kaming dalawa. Pagka-graduate namin sa college at kung makakapag-ipon kami ng pera ay magpapatayo kami ng coffee shop. Oo, coffee shop muna sa umpisa.
Pero ang tanong ko, matutupad pa kaya namin ni Art? Darating din ba ang panahon na magsa-successful kami? O hindi na? Sa situation ni Art ay parang malabo na.
Pero hinihiling ko sa Diyos na bigyan pa niya ng chance si Art upang mabuhay. Na mabuhay ng mas matagal at makasama pa niya ang mga taong mahal niya.
At kung hindi man si Lervin ang lalaking magmamahal at mag-aalaga sa kanya habang-buhay. Sana...sana may darating na lalaki pa para kay Art.
'Yong mamahalin siya at aalagaan ng buong puso. 'Yong tipong lalaki na hindi siya iiwan at sasaktan. Na hindi siya kayang paiyakin. Sana...sana mabigyan ang kahilingan ko.
Dear Papa God, pinagkaitan mo po ako ng maraming bagay, hindi lang basta bagay. Kundi pagmamahal, mga magulang. Kaya sana pakinggan mo ang kahilingan kong ito.
B-Buhayin mo po ang kaibigan ko. Bigyan mo pa po siya ng pag-asang gumaling. Marami pa po siyang mga pangarap na nais matupad.
Kahit ako na lang po. Kahit ako na lang po ang kunin niyo. Huwag lang si Art. Mahal na mahal ko po ang kaibigan kong 'yon. Napaka-inosente niya sa maraming bagay at bibigyan niyo lang siya ng maikling buhay?
Bakit kaya ang mga kriminal ay mahaba ang buhay, 'no? Kung sino pa ang masama ay sila pa ang may mahaba ang buhay, masamang damo nga, ika nila. Pero kahit nga ang damo ay mamamatay rin, eh.
At kung sino pa ang mabait ay sila pa ang babawiin sa atin bigla. Parang ang unfair no'n sa atin, hindi ba?
Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang makita kong sumilip si Cerae sa pintuan ng kuwarto ko.
Dalawang araw na rin naman kasi ang nakalipas since no'ng umiyak ako at na-ospital.
At ngayon ko lang din nakita ang bulilit na 'to. Madalas ay nasa mansion siya ni Mommy A at ang parents ni Cashren.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...